ANG PAGPASOK ng holiday season at nakatakdang pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian Games ay tiyak na magdudulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila, ayon sa grupo ng minorya sa Kamara.
Bunsod nito, inilatag si House Minority Leader at 6th Dist. Manila Rep. Bienvenido Abante, Jr. ang kanilang suhestiyon o hakbang na maaaring ipatupad ng pamahalaan upang maresolba ang nasabing problema.
“Alam na natin na may malubhang problema. We have an enourmous problem and we need to consider drastic measures that we can undertake in the interim to address traffic during the holidays,” wika ng House minority leader.
Una sa inirekomenda ng minority bloc ang pagsunod ng pribadong sektor sa itinatakda ng Republic Act 11165 o ang Telecommuting Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 20, 2018.
“If the work of your industry is output oriented, then by all means consider having your employees to work from home, especially if they have access to the internet and can communicate and send their work without any hurdles,” giit ni Abante.
Dagdag pa niya, maaari ring ikonsidera ang pagpapatupad ng ‘four-day work week’, hindi lamang sa pribadong sektor kundi maging sa ilang sanggay ng gobyerno, lalo na sa huling buwan ng taon.
“I appeal to Malacañang to also study the implementation of a four-day work week for non-frontline offices of national government agencies. In the past, the Civil Service Commission (CSC) has issued guidelines for its adoption-but rather than make it optional, I suggest that the Palace consider the feasibility of doing this during the Holiday season,” aniya.
Samantala, umapela rin si 3rd Dist. Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pa na huwag isisi lamang sa volume o bilang ng mga sasakyan ang mabigat na trapik.
“Ang sisihin natin ‘yung hindi nadadaanan ‘yung mga daan… ginawang garahe, ginawang bahay, ginawang tindahan at ‘yung obstructions sa EDSA, (mga sasakyan) na tumitigil na kahit saan lang, nagpi-pick up kung saan lang at nagbababa ng pasaheto kung saan lang,” tigas na sabi ng Visayan solon, na member for the minority sa House Committee on Transportation.
Umaasa si Teves na magiging makatotohanan ang ipinag-utos ni Presidente Duterte na malinis ang la-hat ng lansangan mula sa mga ‘obstruction’ at umiral ang desiplina, kabilang ang masusing pagsunod sa batas-trapiko sa hanay ng pedestrians, mga pasahero at motorista. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.