WORK FROM HOME BILL, PIRMA NA LANG NI DUTERTE ANG KULANG

WORK FROM HOME BILL

PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maisabatas ang ‘work-from-home’ bill o ang Telecommuting Act of 2017.

Niratipikahan na sa Senado at sa Kamara ang naturang panukala matapos itong pag-isahin sa bicameral conference committee.

Layon ng probisyon na magbigay ng balanseng pamumuhay  para sa mga nagtatrabaho o empleyado sa pamamagitan ng telecommuting.

Ang telecommuting ay ang paggamit ng empleyado sa pribadong sektor ng telecommunication o computer technology para makapagtrabaho sa kanilang bahay at hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang tanggapan.

“Once this work-from-home bill becomes a law, we can now have a stable and consistent legal framework that can provide an enabling environment to encourage participation and enforce compliance among enterprises, big or small,” ayon sa senador.

Gagawin ang programang ito bilang optional o voluntary.

Layon din ng panukala na bawasan ang mabigat na daloy ng trapiko na malaki ang nagiging epekto sa ekonomiya ng bansa.

Kapag naisabatas, ay  gagawa ng guidelines ang  Department of Labor and Employment (DOLE) para masiguro ang pantay na pagtrato sa  nasabing probisyon.