PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7402 o ang `Work from Home` program para sa pribadong sektor.
Sa botong 239-0 ay nailusot sa plenaryo ang `Telecommuting Act` na layong payagan ang mga empleyado sa pribadong sektor na makapagtrabaho sa labas ng opisina sa pamamagitan ng telecommunication o paggamit ng computer technologies.
Sa ilalim ng panukala na pangunahing iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gawin ang telecommuting program sa mga piling kompanya na tatagal sa loob ng tatlong taon.
Sa oras na maging ganap na batas, papayagan ang mga employer sa pribadong sektor na isailalim sa telecommuting program ang mga empleyado sa `voluntary basis`.
Kaakibat ng telecommuting program ang terms and conditions sa pagitan ng employer at empleyado tulad ng minimum labor standards na itinatakda ng batas, compensable work hours, overtime, rest days, night shift differential, at leave benefits.
Tinitiyak sa panukala na itatrato ng mga employer ang mga telecommuting employee na kapareho sa mga empleyado nila na sa opisina nagtatrabaho. CONDE BATAC
Comments are closed.