(Work from home na rin) AFP CHIEF NAKA-SELF QUARANTINE

Felimon Santos

CAMP AGUINALDO– KA­SALUKUYANG naka-self quarantine si Armed Forces of the Philippines (AFP)  chief of staff Gen. Felimon T. Santos kasunod ng kumpirmasyon na isang senior officer at misis nito ang nagpositibo sa  COVID-19 at nagkaroon ng pagkakataon na nakasalamuha niya ito sa isnag pulong.

Ayon kay Santos, naka- confine sa V. Luna Medical Center ang senior military official.

Nang kapanayamin ito ng Defense Press Corps para tanungin kung kumusta ito o may nararamdaman ba siya sa kanyang kalusugan, pabiro lamang itong nagsabing “Pag-ibig lamang ang nararamdaman ko”

Sa ngayon, ipinatutupad na ang lockdown sa buong AFP General Headquarters sa Kampo Aguinaldo Quezon City.

Tanging skelatal  forces ang pinapayagang makapasok habang ang mga sibilyan na empleyado ay inatasan na “work from home” muna ng AFP-J1.

Ayon kay AFP Spokesman. BGen. Edgard Arevalo, lahat ng kaukulang protocols ay kanilang isinagawa gaya ng disinfection.

Pahayag pa ng AFP,  inplaced na rin ang kanilang inilatag na precautionary measure sa loob ng kampo upang hindi na kumalat pa ang virus habang pinayuhan na rin ang mga indibuwal na nakasalamuhang  ng nasabing senior officer na mag-self quarantine.

Mahigpit na pinaiiral sa loob ng kampo ang social distancing at maging ang rotation ng mga duty personnel. VERLIN RUIZ

Comments are closed.