SINISIYASAT ng pamahalaan kung ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa offshore gaming operations sa bansa ay may lehitimong work permits.
Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, inaalam din nila kung ang naturang mga dayuhan ay umookupa sa mga trabahong kaya namang gawin ng mga Filipino.
“Ongoing ang usapin na pag-aaralan ‘yong POGO (Philippine offshore gaming operations) industry. Tingnan natin, ayaw nating ibigay ‘yong kayang gawin ng mga Filipino,” ani Dion.
Ipinagbabawal ng labor laws ang pagtatrabaho ng foreign workers sa mga gawain na kayang gawin ng mga Pinoy tulad ng mga nasa construction.
Nagsasagawa rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng inspeksiyon sa mga establisimiyento na nag-eempleyo ng mga dayuhang manggagawa.
Ayon kay Dion, sa kasalukuyan ay may 147 establisimiyento na sa Metro Manila ang kanilang nainspeksiyon.
Nauna na ring hiniling ng isang kongresista na isailalim sa inspeksiyon ng DOLE ang lahat ng POGO companies sa bansa.
Ayon kay TUCP partylist Rep. Raymond Mendoza Mendoza, dapat na malaman kung tumatalima sa batas na nagbibigay-proteksiyon sa mga manggagawa ang mga POGO firm sa bansa lalo’t malaking pera ang sangkot dito.
Ipinapasailalim din sa audit ng Bureau of Immigration (BI) ang POGO companies para matiyak na hindi binibiktima ng mga ito ang holders ng Alien Employment Permits.
Ani Mendoza, responsibilidad ng DOLE na igalang ang karapatan ng bawat manggagawa anuman ang nationality o lahi nito.
Comments are closed.