PINAALALAHANAN kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa suspensiyon ng trabaho sa mga nasa pribadong sektor sa panahon ng natural o man-made calamity, gaya ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Batay sa Article 5 ng Labor Code of the Philippines, dapat na suspendihin ang trabaho sa pribadong sektor sa panahon ng natural o man-made ca-lamity upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado nito.
Hinggil naman sa tamang pasahod, kung hindi pumasok ang isang manggagawa ay hindi ito tatanggap ng suweldo maliban kung may collective bar-gaining agreement (CBA) sa pagitan ng kompanya at mga manggagawa hinggil dito.
Kung may leave credits naman umano ay maaaring dito na lang ibawas ang pagliban sa trabaho.
Samantala, kung pumasok naman ang empleyado ay dapat bigyan ito ng karagdagang bayad, insentibo o benepisyo para sa araw na ipinasok na may kalamidad.
Nagpaalala rin ang DOLE na hindi maaaring pilitin magtrabaho ang isang manggagawa kung sa tingin niya ay mapapahamak siya kapag pumasok sa trabaho habang may nagaganap na kalamidad. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.