WORKDAY OUTFITS

WORKDAY OUTFITS

MAY mga kababaihang ang bukambibig ay “walang maisuot na damit” kahit na sandamakmak naman ang laman ng closet. Kunsabagay, may mga araw rin kasi na naghahanap tayo ng kakaibang outfit na sa tingin natin ay makapagbibigay ng ganda sa ating kabuuan. Hindi rin naman ganoon kadali ang mag-isip ng outfit lalo na kung araw-araw kang nagtutungo sa trabaho o umaalis.

Kapag malamig at basa ang paligid, hindi naman kailangang bumili ng outfit na swak sa ga­nitong panahon. Kung mag­ging madiskarte lang tayo, puwedeng-puwede nating i-transform ang mga simple nating damit nang magmukha itong kakaiba at akma sa panahon.

Narito ang ilang workday outfits na kailangang isaalang-alang:

CLOSED O COVERED SHOES

WORKDAY OUTFITSBawat kababaihan, may kanya-kanyang klase ng sapatos na nagugustuhan. Ang iba, nagkakasya na sa flat shoes o sandals. Samantalang ang iba naman, gustong-gusto iyong may mga takong na sapatos.

Sexy nga namang tingnan ang isang babae kung mataas ang takong ng suot nitong sapatos. Nakapagbibigay rin kasi ng tangkad ang mga sapatos na may takong. Kaya’t iyong mga kinapos ng tangkad, upang madagdagan ang height, pini­pili ang ganitong klaseng mga sapatos.

Oo nga’t nakadaragdag ng ganda sa kabuuan ang sapatos na may matataas na takong. Gayunpaman, may masama itong naidudulot sa kalusugan lalo na kung madalas ang paggamit nito. Ilan sa mga masamang epekto ng madalas na pagsusuot ng high heels ay ang muscle pain and spasms, knee and hip pain at bunions. Nagi­ging dahilan din ito ng pagkasira ng toe nails. Ayon sa Loyola Medicine, ang high heels umano ang nangungunang dahilan sa pagkakaroon ng ingrown toe nails.

Hindi naman masama ang pagsusuot ng may takong na sapatos. Pero huwag itong dadalasan. Oo nga’t may mga trabahong kailangan ang pagsusuot ng may takong na sapatos. Mas piliin ang mababa lang at komportable sa paa.

At dahil workday outfit kapag malamig ang panahon ang pinag-uusapan natin, makabubuti kung ang pipiliin ay closed shoes upang hindi mabasa ang ating paa lalo na kapag biglang umulan. Puwede rin naman ang high cut boots.

ALL BLACK

WORKDAY OUTFITSIsa sa paborito kong kulay ang itim. Nakapapayat nga naman ang kulay na ito. Hindi rin ito dumihin gaya ng puti. Swak din ito sa kahit na anong panahon, okasyon at hugis ng katawan. Ang ganitong klaseng outfit din ay masasabing sophisticated at low maintenance. Basta’t ingatan lang ang pagla­laba ng mga itim na damit o outfit nang hindi ito magkahimulmol at magmukhang luma.

Kung black na ang kulay ng pang-itaas mo at pang-ibaba, para magkabuhay ito ay maaari kang gumamit ng accessories. Puwede mo itong ternuhan ng scarf. O kaya naman, statement dangling at statement necklace. Puwede rin namang daanin mo sa sapatos at bag nang maging tawag-pansin ang iyong all-black outfit.

STATEMENT JACKET

Ano pa nga ba naman ang makapagpapakompleto sa outfit ng isang tao kapag malamig ang panahon kundi ang statement jacket. Piliin lang ang mga water resistant jacket.

Sa panahon ngayon, napakaraming klase at style ng jacket ang maaari nating pagpilian sa merkado. Bukod sa napakaraming style, napakarami ring kulay na swak sa iyong personalidad.

SKIRTS: BEST OPTION

Bukod sa pants at leggings, magandang option din ang pagsusuot ng skirt sa opisina. Napakadali lamang din nitong ternuhan. Swak dito ang flat shoes o sandals. Puwede rin dito ang high heels o kaya naman rubber shoes o sneakers.

Komportable rin itong suotin. Bagay rin ito sa kahit na sino at kahit na anong okasyon.

MINIMAL PIECES

Hindi rin kompleto ang outfit ng isang tao kung walang accessories. Accessories ang isa sa nakapagbibigay “attitude” o kakaibang “look” sa isang tao. May iba na hindi pinag-iisipang mabuti ang bini­biling accessory. Basta’t swak sa panlasa niya, okey na. May iba namang, hindi lang kagandahan ng accessory ang pinag-uukulan ng pansin kundi maging ang pagiging kakaiba nito sa nakararami.

Kunsabagay, kung bibili ka rin ng accessory, mas okey naman iyong namumukod-tangi. Pangit din kasi iyong marami kang kapareho. Kaya ba’t ka pa pipili ng simple o makikita mong suot ng marami kung mayroon namang kakaiba at swak sa personalidad mo.

Kapag magsusuot ng accessory, huwag ding sosobrahan. Iyong tama lang. Kasi kahit na gaano pa iyan kaganda, kung sobra naman, pumapangit. Ika nga, lahat ng sobra ay masama.

Mahirap ang mag-isip ng magandang outfit lalo na kapag malamig ang panahon o kaya naman, hindi ka ganoon kamalikhain. Sa mga ganitong pagkakataon, makatutulong sa iyo ang pagre-research, pagbabasa ng mga artikulo at ang pagtatanong sa mga kakilala at kaibigan nang malaman mo kung anong klase ng outfit ang babagay sa iyo.

Higit sa lahat, kung bibili o pipili ka ng outfit, siguraduhin mong magagamit mo ito at magiging kompor­table ka sa pagsusuot nito.

Mainam din kung ang pipiliing damit o outfit ay iyong mga tipong madali lang matuyo. May mga damit na mahanginan lang ng kaunti ay natutuyo na at mayroon din namang patagalan kung matuyo. Importante kapag basa o maulan ang paligid ay ang pagpili ng mga damit na madali lamang matuyo nang hindi ito magkaroon ng amoy. (photos mula sa google) CS SALUD

Comments are closed.