WORKERS’ PROTECTION

duterte

MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sa agarang pagpapasa ng mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga karapatan ng mga mang­gagawa partikular ang pagkakaloob sa kanila ng security of tenure.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo kasabay ng pakikiisa sa mga manggagawang Filipino sa buong  bansa sa paggunita kahapon ng Labor Day.

“I remain optimistic that one year since I issued Executive Order No. 51 implementing existing constitutional and statutory provisions against illegal contracting, my counterparts in Congress will consider passing much needed legislative measures that will fully protect our workers’ rights, especially to security of tenure and self-organization,” sabi ng Pangulo sa kanyang Labor Day message.

Ayon sa Pangulo, patuloy na pagsusumikapan ng administrasyon na gumawa ng mga hakbang upang matuldukan na ang illegal contracting at mai-pasa ang mga kaukulang batas para sa kapakanan ng mga mang­gagawa sa bansa.

“It is unfortunate, however, that despite the yearly observance, the plight of our workers, especially those who choose to leave their families so they may earn better compensation abroad, remains the same,” sabi ng Pangulo.

Ito aniya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagausumikap ang pamahalaan na magpatupad ng mga kautusan upang mabigyang proteksiyon ang mga manggagawa at mabigyan ng pantay na oportunidad para sa lahat.

Umaasa ang Pa­ngulo na ang pagdiriwang ng Labor Day ay magbibigay inspirasyon sa sambayanan na magtulungan at sama samang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas magandang lugar ng pagtatrabahuhan.

“Today, we celebrate the working class not as a tool of employers and capitalists but as an essential catalyst for our nation’s overall progress,” giit pa ng Pangulo.

Gayunman aminado ang Pangulo na nakalulungkot na marami pa ring mga Filipino ang pinipili na magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng mas malaki at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang  kanilang mga pamilya.

Hindi aniya matatawaran ang sakripisyo ng mga Filipino na malayo sa kanilang pamilya para lamang makahanap ng mas magandang trabaho at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay na maiiwan.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.