PINAMAMADALI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para madagdagan ang bilang ng construction workers o skilled workers sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Duterte ang TESDA na sanayin ang mas maraming Pinoy para sa larangan ng construction.
Dagdag ni Panelo, maraming Filipino ang walang trabaho at maaaring magtrabaho ang mga ito sa construction at dahil kulang ang taglay na skills kaya mahalaga ang magiging papel dito ng TESDA.
Sinasabing isa sa dahilan ng kakulangan ng skilled workers sa bansa ay dahil sa marami ring construction workers ang nag-a-abroad.
Matatandaang iniulat na mayroong kakapusan ng construction workers ang bansa kaya pansamantalang naantala ang “Build Build Build” program ng gobyerno.
Mangangailangan ang gobyerno ng 300,000 construction workers para sa mega bridge projects ng gobyerno sa buong bansa.
Nagbibigay ng libreng training para sa construction workers ang TESDA
Nauna nang inihayag ni dating pangulong Benigno Aquino III na dumagsa ang mga construction worker na Chinese sa bansa. BENJARDIE REYES, AIMEE ANOC
Comments are closed.