WORKHORSE NG GOBYERNO KINILALA NI PRRD

DUTERTE-39

MASAYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa tinatakbo ng pagtatrabaho ng kanyang mga opisyal sa national government para makamit ang massive immunization program na naglalayong tapusin ang pandemya.

Sa opening statement ng Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People noong Miyerkoles ng gabi, ramdam ang kasiyahan niya sa performance ng kanyang itinalaga sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-MEID) dahil papalapit na ang pagkakaroon ng bakuna laban sa  COVID-19 na inaasahang parating na sa Pebrero o ilang linggo mula ngayon.

Pinasalamatan ng Pangulo ang kanyang mga opisyal na alam niyang nagtrabaho nang husto para marating ang estado na pagbili ng bakuna.

Una sa kanyang listahan ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Health Secretary Francisco Duque, Secretary Harry Roque, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Interior Secretary Eduardo Ano, Cabinet Secretary Karlo Nograles, Testing Czar Vince Dizon, DSWD Secretary Rolando Bautista, Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, Trade and Industry Mon Lopez at iba pang miyembro ng IATF-MEID.

”Ito ‘yung mga workhorse talaga ‘ika nga, the workhorse of the national government, si Sec. Duque, Secretary Galvez, Secretary Roque, ang ating Defense Secretary’ yung overall (IATF-MEID) pati na si Senator Bong Go,” pambungad ng Pangulo bago ang pulong.

Sinasabing ang kasiyahan ng Pangulong Duterte ay kasunod ng mga unang pahayang ni Roque na posibleng dumating na ang  bakuna  sa Pebrero.

Magugunitang inaasahang darating ang bakuna na gawa ng AstraZeneca habang ang bakunang gawa ng Pfizer-Biontech ay aprubado na ng Food and Drug Administration noong Huwebes.

Kasunod nito ay inanunsiyo ng Pangulo ang mass immunization program o malawakang pagbakuna.

Dahil abot kamay na maging ligtas ang sambayang Filipino laban sa coronavirus, pinasalamatan ng Pangulo ang lahat ng nagtrabaho para sa nasabing programa habang tiniyak naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na makakayang tustusan ang gastusin para sa programa na pinaglaanan ng pamahalaan ng P82.5 bilyon. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.