BUMABA ang bilang ng mga bata na nagtatrabaho sa bansa ng 26% sa 1.09 million noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA ay lumitaw na ang bilang ng working children, na may edad na lima hanggang 17, ay bumaba ng mahigit 383,000 noong 2023 mula 1.48 million noong 2022.
Ang share ng mga bata na nagtatrabaho ay bumaba sa 3.5% ng child population noong 2023, mas mababa kumpara sa 4.7% sa naunang taon.
“The term ‘working children’ covers all children engaged in any form of economic activity regardless of their age or the nature of the work,” paliwanag ng PSA.
Sa 1.09 million working children, ang mga lalaki ang bumubuo sa 59.1% ng kabuuan, habang ang mga babae ay 40.9%.
Ayon sa PSA, ang service sector ay nag-empleyo ng 50% ng working children, bahagyang tumaas mula 49.5% noong 2022.
Ang share ng agriculture sector sa child workers ay tumaas sa 43.7% noong 2023 mula 43.2% noong 2022.
Ang industry ang may pinakamaliit na share ng working children sa 6.3% noong 2023, bumaba mula 7.3% noong 2022.
Noong nakaraang taon, 73.7% ng working children ay nagtala ng 20 oras o mas mababa pa ng trabaho kada linggo.
Mas mababa ito sa 75.6% noong 2022.
Samantala, ang bilang ng working children na sangkot sa “child labor” ay tinatayang nasa 678,000 noong nakaraang taon, bumaba mula 828,000 noong 2022.
Ayon sa PSA, ang child labor ay ang working children na sangkot sa hazardous work o yaong ang trabaho ay mahigit 40 oras.
Sa pagtaya ng ahensiya, 62% ng kabuuang bilang ng working children noong 2023 ay sangkot sa child labor. Ang ratio ay 56% noong 2022 at 68.4% noong 2021.
Sa tinatayang 678,000 working children na sangkot sa child labor noong 2023, 62.1% o 422,000 ay mga lalaki, habang 37.9% o 257,000 ang mga babae.
Ang agriculture ang may pinakamataas na share ng child laborers sa 65.3%, sumunod ang services (30.7%) at industry (4%.