WORKING HARD FOR THE MONEY

“She works hard for the money
Work hard for it honey
She works hard for the money
So you better treat her right”
– Donna Summer

Let me tell you a story of hard-working blue-collar women. Marami ang makaka-relate dito, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Aba, huwag maliitin ang kababaihan na sinasabi nilang weaker sex. Pwedeng  maganda siya, delicate, at mahilig sa bulaklak, bag, sapatos at magagandang damit, pero higit pa siya diyan.

Pwedeng iyakin si­ya, kahit telenovela iniiyakan, huh! Pero kapag ginalit mo, daig mo pa ang lumaban sa sampung toro.

Kaya niyang ma­ging ama at ina ng sabay. Kaya niyang umangat sa kanyang career at alagaan ang pamilya. Isa siyang superhero — super­woman.

Palagi na, halos araw-araw,  dumaranas siya ng matinding mental and emotional strain.

Laging may pressure na mag-perform ng perfect sa trabaho at sa bahay, kaya lagi siyang nai-stress, may anxiety, at pakiramdam niya, lahat ng problema sa mundo ay nakaatang sa kanyang mga balikat.

Ito ang mga working single moms. Nakukunsensya dahil wala siyang gaanong panahon para sa kanyang mga anak, at nagdududa sa sariling kakayahan kung kaya ba niyang abutin ang mga expectations sa kanya sa trabaho. Mahirap kasing piliin kung alin ang dapat na priority, pamilya ba o trabaho?

Lagi na, hindi nawawala ang feelings of guilt sa mga anak na napabayaan dahil sa struggle upang ma-achieve ang eprktibong work-life balance.

Lagi ring may pressure sa inaasahan ng sosyedad — dahil first and foremost,  nanay ka. Kung mapariwara ang mga anak mo, kasalanan mo dahil hindi ka na­ging mabuting ina. Pero kung hindi ka naman magtatrabaho, paano mo pakakainin at pag-aaralin ang mga anak mo? Hindi ba ang laking impact nito sa mental and physical health ng working moms?

At ang bwiset na mister, may gana pang mambabae — sarap patayin!

Ikaw, bilang working mom, gagawan mo ng paraang masiguro ang well-being ng anak mo kahit nagtatrabaho ka at nag-o-overtime. During breaktime, tatawagan si yaya para ipaalalang dapat pameryendahin ang anak mo, paliguan at painumin ng vitamins. Si working mom, hindi na magmimiryenda. Sayang kasi,  pambili rin ng gatas ang matitipid.

Feeling mo, nakatali ang mga kamay at paa mo sa lubid at hinihila ka sa iba’t ibang direksyon, na may competing priorities sa pagitan ng trabaho at family life. Hayst!

Lagi kang may Mom guilt sa lahat ng bagay — nalululong sa cellphone ang anak, junk food ang kinakain dahil weekends ka lang nakakapagluto, baka kulang ang tulog nila o baka nasobrahan, hindi mo natutulungan sa school assignments, kulang sa atensyon — baka bumaba ang emotional qoutient, at marami pang concerns na kung isusulat lahat, hindi kasya a isang notebook.

Yung maging ordinary mom lang nga, kailangan na ang maraming oras, energy, sakri­pisyo, commitment, ay pasensya na sa totoo lang, binabalewala ng mga anak. Okay lang, hindi ka naman humi­hingi ng kapalit bilang ina.

Kaya lang, yung everyday routine, res­ponsibilidad at night ng emosyon, minsang, nakakabaliw na.

May mga oras din namang masaya at parang okay ang lahat — pero bihira ‘yon. Mas madalas ang feeling of inadequacy. Tapos, sasagutin ka pa ng anak mo, di ba napakasakit Kuya Eddie?

Kung alam lang nila na nilalamon ka na ng Mom Guilt, wala ka lang choice.

Sa bilis ng takbo ng buhay. Honestly, working moms lang yata ang may kakayahang pagsabayin ang demands ng kanilang careers at needs ng kanilang pamilya. Gaano kataas ang level of resi­lience nila, dedikasyon, at multitasking para magawa ito? Kahanga-hanga!

Dapat silang palakpakan at kilalanin.

Lahat ng working Mom, may Masters sa multitasking. Isipin mong pagod ka na nga sa pagtatrabaho, pag-uwi mo, ikaw pa ang mag­luluto maghuhugas ng pinggan. Masisisi mo ba si working mom kung minsan, nagagalit siya at nasisigawan ang mga anak ng “ang tatamad n’yo! Maghugas kayo ng pinagkanan, hindi nyo ako katulong.”

Tao lang naman kasi si working mom. Napapagod rin, kahit pa nga mayroon silang incre­dible capacity na sumuong sa mga hamon.

Isipin na lamang ang hinaharap niyang daily pressures sa tra­baho at ob­ligasyon sa pamilya na may ma­tinding determinasyon, lalo na kapag nagkasakit pa ang anak.

Nag-iisa siya. Magtatrabaho, mag-aasikaso sa pamilya, at kailangan pang turuan ang mga anak ng va­lues of hard work, dedication, at perseverance. At the same time, dapat iparamdam sa mga anak na kahit walang ama, mayroon pa rin silang loving and supportive home environment. Yung dalawa nga kayong mag-asawa, mahirap na iyong gawin, paano pa kaya si working mom na mag-isa lang? Mahirap mag-instill ng strong work ethic at sense of ambition sa bata, kung ikaw mismo, gulong-gulo ka sa priorities mo.

Ngunit kapag nalusutan mo ang lahat ng ito, at napalaki mong mabu­buting tao ang mga anak mo, ang galing talaga ni working mom.

In the end, sa kabila ng pagpupunyagi at pagsisikap, tumanda kang walang naipon para sa sarili mo. Syempre! Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, asa ka pa!

Pero ang mga anak mo naman, naging ma­ayos ang buhay at luma­king may takot sa Diyos. Walang naging adik o lasenggo. Pwede na rin.

Paano kung luma­king walang utang na loob at walang turing sa  magulang? Hmm, bihira naman yon.

Basta ang mahalaga, naging bahagi ka sa paglikha ng next generation leaders. Hindi ka man mapasalamatan ng tama, ang mahalaga, nakatulong ka sa pagkakaroon ng mas balanse at inclusive na mundo, kung saan ang mga anak mo ay hindi pabigat sa lipunan.

Sa pangkalahatan, dapat palakpakan ang mga working moms dahil sa kakayahan nilang i-manage ang maraming responsibilidad, magpakita ng resilience, magbigay ng inspiring examples, at balansehin ang ambisyon ng may pagmamahal at tunay na pagmamalasakit. Sila ang mga bayani ng makabagong panahon. Kilalanin ang kanilang lakas at tapang.

Sinasabi ko ito hindi dahil working mom din ako. Gusto ko lang ipa­alala sa inyong ang mga working moms, hindi man ninyo ma-appreciate na mabuti, ay malaking tulong sa mundong ito.

Nenet Villafania