KINANSELA ng Bureau of Immigration (BI) ang mga visa ng 528 foreign nationals na nagtratrabaho sa bansa kaugnay sa pagkakadiskubre sa maanomalyang pagkuha ng mga ito.
Kabilang sa mga kakanselahing visa ay sa 259 Indians, 230 Chinese, 14 Koreans, 11 Japanese, 5 Taiwanese, 3 Vietnamese, German, Burmese, Nigerian, Nepalese, Sudanese, at isang Yemeni.
Ang mga dayuhan ay nagtratrabaho sa anim na kompanya sa Filipinas na nadiskubre ng BI kamakailan sa kanilang walang humpay na kampanya laban sa mga illegal alien.
Ayon kay Morente, nilabag ng 528 dayuhan ang Section 37 ng Philippine Immigration Act at ang kanilang hawak na mga visa ay hindi dumaan sa tamang proseso o napatunayan na mga bogus.
Agad niyang ipinag-utos sa Alien Registration Division at sa Legal Division ang agarang kanselasyon ng mga ACR I-Cards ng mga dayuhan kasabay ng pagpapawalang bisa sa permit na ipinagkaloob sa mga accredited agent na nagproseso sa mga visa ng mga ito.
Binalaan din nito ang mga abusadong dayuhan o ang mga hindi sumusunod sa tamang alituntunin ng BI dahil sisimulan na nila ang pagllinis at screening para sa mga illegal na dayuhan.
Nadismaya si Morente nang madiskubreng hindi sumusunod sa ipinatutupad na batas ng Immigration ang mga kompanyang kumuha sa foreign workers.
Nakatakda naman isumite ng BI ang report sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan ng ka-ukulang multa ang mga negosyante na lumabag sa Labor Code. F. MORALLOS
Comments are closed.