NAGSAGAWA ng workshop ang GCash sa miyembro ng Philippine National Police -Press Corps (PNPPC) para sa seguridad ng e-wallet upang maiwasang mabiktima ng scammer.
Para makatiyak na ligtas ang GCash, ipinaliwanag ni Atty. Lucky Amurao, advocacy legal counsel na ang ilang security features ng nasabing e-wallet kaya walang dapat ipangamba.
Kaya’t hinikayat ang publiko na tangkilikin ang nasabing e-wallet dahil mahigpit ang proteksyon at patunay nito ang marami nang gumagamit lalo na’t money digital na ang transaksyon ngayon.
Kasabay nito, Inilunsad din ni Chibong Cantor, regional sales head for NCR ang mga bagong produkto ng GCash bukod sa GSave bukod pa sa madalas gamitin na money transfer, deposit, bill payments at iba pa.
Gayundin, nanguna sa workshop si Gilda Maquilan, Vice President for Corporate Communication ng GCash kung saan nagbigay pa ito ng trivia games sa mga mamamahayag.
Kabilang sa trivia ang bilang ng GCash user na kung saan ay nasa 90 milyon na at ang logo hayop nito na isang pusa.
Ipinaliwanag din na ang points ay nako-convert sa pagtatanim ng puno sa ilalim ng GForest.
Sa panig naman ng PNPPC, pinasalamatan ng Pangulo na si Mar Gabriel ang pagtataguyod ng GCash ng workshop upang mapayaman ang kaalaman sa money digital transaction.
Unang nagtaguyod ng workshop sa Senate media ang GCash.
EUNICE CELARIO