IBINABA ng World Bank ang growth forecast nito para sa ekonomiya ng Filipinas dahil sa pagkakaantala ng pagpasa sa 2019 national budget at sa spending ban ng pamahalaan sa mga bagong proyekto bago ang May midterm elections.
“Gross domestic product will likely grow by 5.8 percent this year instead of 6.4 percent,” wika ni World Bank senior economist Rong Qian. Itinakda ng gobyerno ang growth target ng bansa sa 6 percent hanggang 7 percent ngayong taon.
Ayon sa World Bank, ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay inaasahang makababawi sa 6.1 percent sa 2020 at 6.2 percent sa 2021 kapag hindi nagkaroon ng delay sa pagpasa ng 2020 national spending plan.
“The Philippines’ revenue collection, meantime, has improved due to the first tax reform package, but its disbursement remains disappointing,” dagdag ng international financial institution.
Patuloy rin umanong nagdurusa ang bansa dahil sa kawalan ng kumpetisyon.
“Philippine manufacturing markets are more concentrated than those of regions peers, with a higher proportion of monopoly, duopoly, and oligopoly markets,” ani Qian.
Comments are closed.