WORLD BANK PRESIDENT NAGBITIW

Jim Yong Kim

NAGBITIW  na sa  kanyang puwesto bilang presidente ng World Bank  si  Jim Yong Kim.

Magiging epektibo ang pagbaba ni Kim sa unang araw ng Pebrero kahit pa sana may tatlong taon ito para maupo sa puwesto matapos muling mahalal noong 2017.

Wala namang ibinigay na dahilan ang opisyal sa kanyang pagbibitiw.

Papalit sa kanyang puwesto si Kritalina Georgieva na kasalukuyang chief executive officer ng World Bank. AIMEE ANOC

Comments are closed.