BULACAN – ANIMNAPU’T WALO ang mga nanay o ilaw ng tahanan mula sa isla ng Pugad at Tibagin sa coastal barangay sa bayan ng Hagonoy ang nakibahagi sa inilunsad na World Breastfeeding at Long-term Term Health Plan.
Kasabay ito ng commemoration ng World Breastfeeding Week, sa pamamagitan ng NGO, Good Neighbors International Philippines (GNIP) at ng Local Government kabilang ang Municipal Health ng nabanggit na bayan.
Dito’y binigyan ng educational orientation, sharing of learnings at mga karanasan ang mga nanay na nagbibigay ng breastfeed sa kanilang mga anak.
Sa temang “Empower Parents, Enable Breastfeeding” layon nito ipabatid ang kahalagahan sa pagpo-promote ng pagpapasuso sa mga babies.
Ayon kay Mark Gerald Paner ng GNIP mahalaga ang breastfeeding sa kalusugan ng mga sanggol, kung saan mas nagiging malakas ang immune system ng mga paslit.
Ang naturang programa ay nasa ilalim ng Republic Act 11148 na Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act (Health and Nutrition of Mothers and their Children).
Target din ng batas na ito na matutukan ng gobyerno ang 1000 araw ng buhay nang mga sanggol mula sa kanilang pagsilang maging ang maternal at neonatal. THONY ARCENAL
Comments are closed.