ISA sa makabuluhang sektor sa Filipinas ay ang fishing industry, na nag-aambag ng halos dalawang porsiyento ng GDP ng bansa.
Itatampok ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), kung ano ang mayroon sa karagatan ng bansa ay layong ihandog sa global market sa gaganaping IFEX Philippines NXTFOOD ASIA simula ngayong araw Mayo 24 hanggang 26 sa World Trade Center, Pasay City.
Iniimbitahan ang mga trade buyer at mga bisita na pumasok sa The Cold Room para maranasan ang temperatures na mababa pa sa zero para makita at matikman ang iba’t ibang mapagpipilian sa mga sariwa, frozen at value-added Philippine seafood tulad ng tuna, seaweed, prawns, octopus at iba pang high-value marine food products.
“SEE-FOOD” DIET
Isa sa mga kompanya na itatampok sa The Cold Room ay ang first-time exhibitor, ASMAROS Global Corp., na ang pinakatanging produkto ay ang authentic unagi kabayaki at frozen unagi fillet. Nagpapatakbo ang kompanya ng nag-iisang eel farm sa Asia, na sertipikado ng Japan Agricultural Standard (JAS).
Itinatampok ng ASMAROS ang paggamit ng Japanese systems at teknolohiya sa pagpoprodyus ng mataas na kalidad na unagi kabayaki na kinuha sa karagatan ng Filipinas.
Nagbabalik ngayong taon bilang bahagi ng bagong special setting ay ang Donny’s Choice Fresh Seafood and Century Pacific Food, Inc. Donny’s Choice na sanay sa fresh frozen marine products tulad ng kanilang peeled shrimps, nobashi prawns at lapu-lapu fillets. Masasaksihan sa IFEX Philippines ngayong taon ang simula na bagong dinisenyong product packaging.
Ang Philippine archipelago ay isang lugar ng mga pinakamayayaman at iba’t ibang aquatic ecosystems sa mundo. Ang ating bansa ay mayaman sa commercial at domesticated fish, crustaceans at mollusks. Ito ay dinadala mula sa major fish ports sa ibang bahagi ng bansa at ini-export sa ibang bansa tulad ng Europe at USA, kung saan ang tuna ang pinakamalaking fishery export mula sa Filipinas na sinundan ng seaweed, shrimp at crab products.
Comments are closed.