NANAWAGAN ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa pamahalaan na magkaloob ng world-class slaughter house sa mga rehiyon sa buong bansa upang matugunan ang tumataas na pangangailangan sa processed food at meat products patungo sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay PAMPI president Felix Tiukinhoy Jr., kinakailangan ang makabagong slaughter house ng industriya sa mga meat processor na may quality meat products para matugunan ang international standard requirement.
Aniya, sa kasalukuyan ay naantala ang pagpapalawak ng kalakal ng hog industry sa bansa dahil ang kumikita ng malaki ay ang middlemen.
Plano ng hog raisers na i-extend ang livelihood sa direktang pagbebenta ng karne sa mga pamilihang bayan kapag may makabagong slaughter facility, kung saan hindi lamang sila kikita ng malaki, kundi matutulungan din nila ang iba pang meat processors mula sa meat requirements ng local market.
Ayon sa ulat, may 36 meat processors ang aktibong miyembro ng PAMPI kung saan 80 percent ng processed meat products ay napupunta sa domestic market at ang mga kompanyang ito ay umaangkat ng meat requirement mula sa ibang bansa.
“The government does not have to spend for this particular facility, instead it could be done through a private-public partnership. What is more important is providing the facility to strengthen the players’ hold amid the tough regional competition in the ASEAN Integration.” paliwanag ni Tiukinhoy, pangulo ng Virginia Foods Inc.(VFI).
Dagdag pa niya, kapag hindi natugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa makabagong slaughter house ay may posibilidad na mangulelat ang bansa sa pagkopo ng tumataas na 600 milyong consumer-base sa ASEAN region dahil sa mataas na halaga ng meat processing.
Nabatid na ang mga bansa sa Middle East ay isa sa pinakamalaking ASEAN market ng meat processing industry na siguradong target market ng Philippine-made processed meat products. MHAR BASCO
Comments are closed.