HINDI nagpahuli ang mga sundalong atleta na kumatawan sa Filipinas sa katatapos na World Dragon Boat Racing Championships sa Thailand.
Sa 500-meter grand finals ay kinapos lamang ng dalawang segundo ang Philippine Army Dragon Boat Team sa nagkampeong Thailand national team upang magkasya sa third overall.
Nauna rito ay ibinahagi ni Philippine Army Commanding General LtGen Macairog S. Alberto na nagwagi ng silver ang Team Philippines sa small boat 200-meters Seniors A Open event noong Sabado matapos ang dikit na pagkatalo sa Thailand.
Ipinagmalaki ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, ang presidente ng Army Dragon Warriors at team manager ng delegasyon, ang pinakabagong tagumpay ng kanyang tropa.
“What matters is that they showed their very best performance against the national squads from around the world. It was literally a ‘do or die’ attitude in action,” aniya.
“Unlike in 2011 IDBF World Championships wherein the Philippines fielded all former national team players, only half of the crew had seen action in the world championships. Experience builds confidence, too,” dagdag ni Cabunoc.
Ani Cabunoc, nangunguna ang mga sundalong atleta sa mga itinuturing na malalakas na kalaban mula sa Thailand, Malaysia, Ukraine, Australia, at Czech Republic.
Subalit talaga aniyang buhos din ang puwersa ng kalaban at sa katunayan ay national team ang itinapat ng Thailand sa mga sundalong Pinoy na naabutan lamang halos 10 metro na lamang sa sa finish line para makuha ang gold medal.
Ayon kay Technical Sergeant Usman Anterola, head coach at paddler ng Army Dragon Warriors, ito na ang maituturing na pinakamatinding laban ng mga Pinoy paddler sa loob ng 20 taon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.