WORLD GAMEFOWL EXPO PINAGBUKLOD ANG MUNDO NG SABONG

PUSONG SABUNGERO

MARKAHAN  po natin ang ating mga kalendaryo, sa dara­ting na ENERO 18, 19 at 20, 2019 ay magkikita-kita na naman po tayo sa isang na namang pagtitipon ng mga sabungero ‘di lamang sa Filipinas  kundi sa buong mundo.

Isang malaking karangalan na maging bahagi ng kasaysayan sa indusriya ng sabong sa ­ating bansa. Ngayon po ay ikasiyam na taon na ng WORLD GAMEFOWL EXPO at ako po, kasama si RAQUEL ROMERO, ng WORLDEXCO na siyang bumuo at nag-isip ng expong ito ay taos-pusong nagpapaabot ng aming pasasalamat sa libo-li­bong mga kasabong na dumadalo sa atin kada taon mula nang ito ay simulan noong 2011.

Isang napakagandang adhikain na binuo at pinagtulungan ng inyong lingkod at ni RAQUEL ROMERO na kinilala sa kanilang husay sa pag-organisa ng mga event na tulad nito. Sa mahigit na 20  karanasan ay napakalaki ang naging kontribusyon ni RAQUEL, kasama ang kanyang pamilya, na nagtutulong-tulong upang tumakbo nang maayos ang expong ito. Magagaling na mga konsepto at makabagong ideya o innovation ang ginagawa ng mga tao ni RAQUEL kada taon upang maghatid ng kasiyahan sa mahigit kumulang sa 50,000 tao na pumupunta upang bumili ng mga manok na pampalahi, mga kagamitan sa farm, patuka, gamot at suplemento at marami pang iba.

Ang WORLD GAMEFOWL EXPO po ay sumisimbolo ng pagkakaisa at pagsasama sa iisang industriya ng mga nagpapalahi ng manok, gumagawa ng tari, patuka, gamot, suplemento, at marami pang iba. Ito rin ang pagkakataong makasalamuha ng mga sabungero ang mga iniidolong gamefowl breeder. Dito rin po naghahatid ng maraming kaalaman, bagong teknolohiya at makabagong pamamaraan sa paghahanda ng mga manok panabong sa la­rangan man ng labanan o pagpapalahi.

Sabi nga ni JAY SANCHEZ na lumipad pa galing ng  GUAM ay itinuturing niyang isang GROWN MAN’S DIS­NEYLAND ang WORLD GAMEFOWL EXPO. Brad Padgett, a breeder from Oregon, said, “it is a shame that we do not have this in the US. The WORLD GAMEFOWL EXPO is a show of freedom to enjoy what you love the most in your life. Cockfighting is a tradition that was passed on to generations. This is our pride and the passion that goes with it. Protect your sport and be united as one. In America cockfighters are treated like criminals and they go to jail because they love the sport, in the Philippines you enjoy the sport openly and you have the support of society.”

Isa po sa adhikain ng inyong lingkod ay lalong palaguin ang industriya ng sabong sa bansa sa kadahilanang bukod sa kasiyahang dulot nito ay nagbibigay ito ng kabuhayan sa milyon-milyong mga Filipino  saan mang sulok ng Filipinas.

Ayon sa pag-aaral, umaabot na sa mahigit 50 BILYONG PISO ang umiikot sa sport na ito kada taon at patuloy na lumalago sa kadahilanang kung noong araw ay tuwing LINGGO lamang ang sabong, ngayon ay araw-araw na dahil na rin sa mga napakagandang ideya na ibinubuhos ng mga nagpapatako ng sabungan at mga lokal na breeders association at ngayon ay maging ang buong Pederasyon.

Sa milyon-milyong  manok na pinapalahi kada taon ay malinaw na napakagandang pagkakataon ito upang pagkakitaan at gawing isang negosyo at hanapbuhay. Sa ngayon, ang pagpapalahi ng manok panabong ay patuloy na lumalago kada taon at kaakibat nito ay ang pag-usbong ng napakaraming negosyo na umaasa sa manok panabong.

Kamangha-mangha at nakagugulat  subalit kung ating iisipin, sa likod ng dalawang nagsasalpukang mga manok ay pag-asa ang hatid nito sa napakarami nating mga kababayan. Kaya sa lahat po ng tumatangkilik sa WORLD GAMEFOWL EXPO, kami po ni RAQUEL ay nag-iimbita sa inyo na dumalo at maging saksi sa isa na namang pagtitipon-tipon sa WORLD TRADE CENTER. Kami po ay nagpapasalamat sa mga sumuportang kompanya tulad ng BMEG INTEGRA POWER MAXX, SAGUPAAN COMPLEXOR,TATAK EXCELLENCE, ROBINA INFINITY AT WARHAWK.



Kung mayroon po kayong katananungan, tumawag po sa WORLDEXCO (63-2)855 8342 to 44 o mag-email lamang po sa [email protected].

Comments are closed.