NAGPAHATID ng pakikiramay at panalangin ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa sa pagkamatay ni dating Japan Prime Minister Shinzo Abe na binaril sa gitna ng pangangampanya nito araw kahapon.
Kabilang sa mga nagpaabot ng pakikiramay ay sina Malaysian Foreign Minister Saifuddin Abdullah, US Secretary of State Antony Blinken, German Foreign Minister Annalena Baerbock, Thailand’s Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, Australian Prime Minister Anthony Albanese, British Prime Minister Boris Johnson, European Council President Charles Michel at ang Chinese Foreign Ministry.
Para naman kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, isang mabuting kaibigan si Abe kaya hindi dapat indahin ang pagpanaw nito.
Nakikiramay rin si Pangulong Ferrdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Pilipinas sa pamilya at kaibigan ng naulila ni Abe.
Ayon sa Panngulo, nakagugulat at nakalulungkot ang nangyari kay Abe.
“On behalf of the Philippine Government and the Filipino people, among whom he counts many friends and admirers, I offer my most profound sympathies to his family and the entire Japanese nation,” pahayag ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, isang visionary leader si Abe.
“Mr. Abe was a visionary leader who saw Japan through its most difficult times. He was a devoted friend and a supporter of the Philippines, and it was during his leadership that the Philippine-Japan relations truly flourished,” pahayag ng Pangulo.
“The decisive and effective assistance he extended to the Philippines and the warmth he demonstrated in the numerous visits he made to our country will never be forgotten and will be written as one of the most exceptional periods in our bilateral history,” dagdag ng Pangulo.
Ipinapanalangin ng Pangulo ang katatagan ng Japan sa gitna ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Abe.
“I earnestly hope and pray for strength for the Japanese nation during this time of mourning,” pahayag ng Pangulo.
Samantala, nagpahayag ng simpatiya at pagkondena si French Embassy sa Japan, Russian Embassy at Indian Prime Minister Narendra Modi kasunod sa pagpatay kay Abe.
Kahapon, nagdaos ng isang minutong katahimikan ang buong United Nations Security Council para sa namayapang dating Prime Minister na pinakamatagal naglingkod sa Japan.
Labis ding nalungkot si dating pangulong Rodrigo Duterte sa nangyari sa itinuring niyang kaibigan na si Abe.
Si Abe ay inanyayahan noon ni Duterte sa Davao kung saan doon pa ito nag-almusal sa bahay nito kasama ang kanyang maybahay.
Si Abe ay isinugod pa sa ospital subalit binawian ito ng buhay matapos na makaranas ng “State of Cardiopulmonary Arrest” o pagkawala ng hininga at pagtigil ng pagtibok ng kaniyang puso. PMRT