WORLD PEACE SUMMIT, TUMUON SA TULUYANG PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN

BINIGYANG diin ang kahalagahan ng kapayapaan sa pagdaraos ng 9th Anniversary of the September 18th HWPL World Peace Summit na may temang: Implementation of Multidimensional Strategies for International Peace na nagsimula kahapon (Sept. 18) hanggang Setyembre 21 sa Incheon, South Korea.

Pinangunahan ni Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) Chairman Man Hee Lee ang pagpupulong na dinaluhan ng halos 1,800 global leaders na mula sa sektor ng education, religion, politics, media women’s at youth groups para talakayin ang magiging inisyatibo ng bawat sektor tungo sa pang matagalan at tuluyang kapayapaan.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang pagpapalawak ng culture of institutional peace, expansion ng comparative scriptural studies , long-term peacebuilding sa pamamagitan ng edukasyon at pagbuo ng mga polisiya sa pag angat ng kultura ng kapayapaan.

Bukod pa rito, binalikan din ni Chairman Lee ang matatagumpay na nagawa ng HWPL gaya ng mga programa sa women and youth sector at pagpapalawak ng kaalaman sa usaping pangkapayapaan.

Binanggit din nito ang konsepto ng “Institutional Peace” na panukala ng HWPL na naglalayong magkaroon ng hakbangin sa pagkakaroon ng pandaigdigang kasunduan na naglalayong makapagtatag ng sustainable peace with framework base sa prinsipyong nakasaad sa Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW).

“We (HWPL) have circled the globe 32 times to carry out the work of peace. The ultimate goal has been achieving peace. Whether it’s within families, schools or any other organization, peace is a vital need. Not a single person has rejected the idea of peace. Therefore, I firmly believe that peace will be attained,” saad ni Chairman Lee. BENEDICT ABAYGAR, JR.