PASASALAMAT sa mga nagtaguyod ng WORLD PITMASTERS CUP, Charlie Atong Ang, Gerry Ramos, Gov. Eddie Bong Plaza at Engr. Sonny Lagon. Punom-puno ang RESORT’S WORLD MANILA nang ganapin ang grand finals ng palabang ito na umabot sa record na 307 entries. 108 sultada ng pinakamagagaling na mga manok ang naglaban-laban noong Abril 30 at dalawa ang hinirang na kampeon sina Atty. RICHARD PEREZ, RIPER LUCKY CHANCES ENTRY, AT ENGR. SONNY LAGON ng AKO BISAYA ENTRY. Walang naka-perfect na siyam na panalo at ang mga hinirang na kampeon ay umiskor ng walong panalo at isang tabla.
“The fights are thrilling and exciting as I watch on the pay per view provided by SABONG SPORTS, This is class, world class. The facilities, the live feed and the setting was professionally done and my hats off to those who made Pitmasters to where it is now,” mga katagang sinabi ni Chris Copas ng Kentucky at solo champion sa World Slasher Cup noong January. Binangit din niya sa akin na maraming mga American cockers and breeders ang kanyang iimbitahan upang sumali sa napakagandang palaban na ito sa PITMASTERS!
Ang WORLD PITMASTERS CUP ay isang patunay na patuloy na lumalago ang industriya ng manok pasabong sa ating bansa, ayon kay Ang na siyang utak sa likod ng Pitmasters Cup. Sinabi niya na, “Natutuwa ako na napakaraming mga OFW na sumasali sa pasabong natin at nagtatayo na rin ng kani-kanilang farm kahit sila ay malayo, isang dahilan marahil ay ang ganda ng mapapanood nila kahit saan sa mundo sa pamamagitan ng live feed ng lahat ng laban sa Pitmasters. Maraming mga plano pa tayo upang matulungan at lumago ang sabong sa ating bansa sa pamamagitan ng mga palabang ito na tinitiyak naming patas at disiplinado ang mga nagsasabong dito. Hindi namin kukunsintihin ang anumang bagay na makasisira sa sabong. Mahal ko ang isport na ito at malaki ang nagagawa nito, lalong-lalo na sa mga libo-libong nabubuhay sa sabong.”
Sa darating na September ay umaatikabong laban na naman ang ating matutunghayan kung saan ang WORLD PITMASTERS BREEDERS EDITION ay sasalang muli at inaasahang BLOCKBUSTER ang STAG DERBY na ito dahil ngayon pa lamang ay marami na ang nagpapa-reserve ng cockhouse para rito. Indikasyon na maraming sultada araw-araw ang mapapanood sa buong Filipinas at maging sa buong mundo.
Ang WORLD PITMASTERS ay isang patunay na ang sabong ay patuloy na lumalago dahil sa ganitong kalidad ng pagpapalakad at ang kapakanan ng sabungero ang nauuna at hindi ang negosyo at sarling kapakanan. Saludo ako sa mga bumubuo ng WORLD PITMASTERS CUP dahil sila ang nagtataas ng antas upang lalong lumago ang industriya ng sabong sa ating bansa at maging sa ibang mundo. Tayo na ang tinaguriang MECCA OF COCKFIGHTING IN THE WORLD dahil sa mga taong may tunay na pagmamahal sa sabong tulad ng mga nagtataguyod mg palabang ito.
Marami pong salamat kina CHARLIE ATONG ANG, GERRY RAMOS, GOV EDDIE BONG PLAZA AT ENGR. SONNY LAGON. Alam kong marami pang magagandang proyekto ang darating sa BAYANG SABUNGERO sa pamamagitan ng inyong malasakit at pagmamahal sa industriyang ito. Sa ngalan po ng milyon-milyong sabungero sa buong mundo, MABUHAY ANG WORLD PITMASTERS AT MARAMING SALAMAT PO!!!