TINAYA ng mga eksperto ang paglobo ng populasyon sa buong mundo sa hanggang 8.09 bilyon ngayong 2025.
Ang nasabing datos ay base sa pag-aaral na inilabas ng US Census Bureau, kung saan lumitaw na posibleng apat na indibidwal ang manganak habang dalawa ang maaaring mamatay kada segundo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Batay pa rin sa datos, sa Estados Unidos, nadagdagan ang kanilang populasyon ng 2.6 milyon noong 2024, kaya umabot sa 341 milyon ang kabuuang populasyon sa pagsalubong sa 2025.
Samantala, sa ulat ng United Nations noong 2024, umabot sa 4.7 milyon ang isinilang sa katatapos na taon sa buong mundo, katumbas ito ng 3.5 percent ng populasyon.
Sa pagtaya pa ng UN, maaaring umabot ng hanggang 77 years old ang life expectancy ng isang tao mula 2025 hanggang 2054.
Sadyang bumaba na ang life expectancy ng mga tao sa ngayon, at panahon na rin na kumilos upang proteksiyonan ang mga sarili laban sa sakit at iba pang sanhi ng kamatayan.