MAGANDANG balita po ang ipinaaabot ng WORLD SLASHER CUP 2 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Mayo 27 hanggang Hunyo 2. Bilang pasasalamat sa libo-libong fans na nanonood ng World Slasher Cup, may EARLY BIRD promotion po sa lahat ng mga bibili ng tickets mula April 8-30, 2019 kung saan magbibigay ng 10% discount sa PATRON TICKETS na nagkakahalaga ng P1,800 ay gagawing P1,620 na lamang samantalang ang ticket sa upper box na nagkakahalaga ng P1,200 ay makukuha na lamang sa halagang P1,080.
Maaga pa po ay kumuha na kayo ng tickets sa TICKET NET BOX OFFICE sa tabi ng Yellow gate ng Smart Araneta Coliseum o kayo po ay mag-tungo sa kanilang website http://www.ticketnet.com.ph. Hindi lang po ‘yan mayroon ding LOYALTY PROMO program kung saan ang mga bibili ng maramihang tickets sa lahat ng laban mula May 27 hanggang June 2, (may isang araw na rest day sa June 1) ay makukuha ang mga ticket sa halagang P9,000 lamang from P10,080 sa patron tickets at kung sa upper box naman ay P6,000 na lamang mula sa P7,200, napakagandang promotion para po sa mga pumupunta sa WORLD SLASHER CUP araw-araw at kung sakaling hindi magamit ay maaari naman po itong ipagamit sa inyong mga kaibigan na gustong manood ng sabong sa Araneta Coliseum,
Kung atin pong babalikan ang January edition ng WORLD SLASHER CUP 1 ay iisa lamang ang nagkampeon, ang Amerikanong breeder na nag-mula pa sa KENTUCKY, USA, si Chris Copas in tandem sa isang maituturing na magaling na sabungero sa bansa, si Gov. Claude Bautista na nakilala sa kanyang CPB entry at BACK TO BACK COCKER OF THE YEAR sa Araneta Coliseum noong 2004, Umiskor ang magka-tandem ng 9-0 upang masungkit ang SOLO CHAMPION sa gitna ng napakaraming mga superstar sa sabong na naglalaban-laban dito tulad nina PATRICK ANTONIO, REY BRIONES, CITO ALBERTO, BIBOY ENRIQUEZ, MARLON AT MARTIN ESCOLIN, MAGNO LIM, FRANK BERIN, SONNY LAGON, RONALD, BARANDINO, DANTE HINLO, CHRIS SIOSON, REYCANEDO, ART LOPEZ, ATTY. CAPUCHINO, DOY AYONG LORENZO at marami pang iba.
Sa likod ng mga higanteng pangalan sa labanang ito ay lumitaw ang pangalan nina CONG, KULIT ALCALA na nagtala ng runner-up honors sa iskor na 8-1, samantalang si DR. BELLE ALMOJERA ng Florida, USA at Negros Oriental Breeders Association President SANTI SIERRA ay nag-tala ng 7.5 points. Hindi rin pahuhuli ang entry nina NENE ARANETA, sabong idol PATRICK ANTONIO, FIREBIRD BIBOY EN-RIQUEZ,RGBA’s JOMEL GATLABAYAN, JIMMY JUNSAY, CHRIS AND PAOLO MERCADO at DOC MARVIN ROCAFORT ng EL CAMPEON.
Umuwing luhaan pabalik ng America sina Marty Bently at Brent Mccormick na naglaban ng kanilang mga Roundhead, Albany at Kelso crosses, samantalang si TIM FITZGERALD naman ay sumabak dala ang mga toppy hatch greys na mahigit 60 years nang kanilang pinalalahi.Dagdag pa ni Tim, “We have good birds too in the US but the birds here are among the top.” Paghanga mula sa bibig ng mga Amerikanong breeder na noong una ay siyang nagturo sa atin ng iba’t ibang pamamaraan sa pangangalaga ng mga manok panabong.
Malayo na ang narating ng sabong sa ating bansa at nagsusulputan ang iba’t ibang malalaking palaban sa lahat ng sabungan sa Pinas at dahil dito ay lalong sumisigla at lumalago ang industriya ng manok panabong.
Napapanahon na marahil na dapat ay pagtuunan ng pansin ang mahalagang ambag ng sabong sa ating ekonomiya na ayon sa datos ay umaabot na sa humigit kumulang na P50 BILLION na industriya. Suportahan po natin ang libangang ito at bigyan ng diin sa darating na halalan sa buong bansa na atin pong iluklok sa Senado man o Kamara ang mga karapat-dapat na manilbihan sa atin ng buong katapatan at walang bahid ng korupsiyon. Magtulong-tulong po tayo sa napakagandang tinatahak ng sabong sa ating bansa at iboto po na-tin ang mga taong handang magsakripisyo sa kapakanan ng mas nakararami.
Comments are closed.