NAKATAKDANG magbakbakan simula sa Lunes, Enero 20, ang mahigit 200 entries para sa inaabangang 2020 World Slasher Cup 9-Cock- Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum.
Magbibigay-pugay ang mga magagaling na sabungero at breeder hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin ang mga banyagang sabungero na sasali sa espesyal na edisyon ng naturang torneo na itinuturing na sagupaan ng mga kampeon.
Si Alexander, hinirang na Cocker of the Year back-to-back sa Sunset, Indiana, ay kilala sa kanyang mga linyada na Griffin Clarets at Lacey Round-heads. Ang kanyang mga manok ay kilala sa kanilang speed at cutting power na talagang akma sa “Salto or Angat-sarado” na fighting style kung saan matiyaga silang nag-hihintay na pasukin ng kanilang kalaban sabay magbibitaw ng deadly counter punch. Ang mga linyadang ito ay ginagamit ng mga kilalang sabungero para mapanalunan ang kampeonato.
Natoto sa gamefowl breeding kay Elmer Griffin, nag-ukit din ng pangalan si Ray Alexander sa larangan ng sports na sabong kung kaya siya ay hinahangaan ng cockfighting enthusiasts sa buong mundo, lalong-lalo na ang pinakamamahal niyang Filipinas kung saan nagpupunta siya rito sa loob ng halos 50 taon.
Sa paglipas ng mga taon, nakatulong si Alexander sa expansion ng World Slasher Cup at ng Philippine cock fighting community sa pamamagitan ng pag-iimbita niya ng kapwa niya American breeders para mag-compete dito sa ating bansa at nakapagbahagi ng kanyang kaaalaman sa pagmamanok sa mga Filipino.
Lagi niyang sinasabi na “best breeders” ang mga Pinoy na sabungero sa buong mundo.
Bagama’t marami ang naghahangad na makakuha ng kanyang mga linyada, si Alexander ay hindi isang commercial breeder na nagbebenta sa kung sino-sino lang, kundi siya ay isang cocker na nagbabahagi lamang ng kanyang personally bred na mga manok sa kanyang malalapit na kaibigan lamang.
Isa na riyan ang World Slasher Cup 2 champion noong nakaraang taon na si Nene Araneta. Unang nagkakilala ang dalawa sa Phoenix noong 1970’s at magkasama silang nagkampeon sa mga mabibigat na labanan kabilang na riyan ang World Slasher Cup noong early ‘70s, solo win noong May 1994 tapos three-way tie noong January 1995 sa isang entry kasama si Buddy Mann.
Maaari ring magbigay-pugay ang fans kay Ray Alexander, kasama ang mga dating kampeon na inaasahan na magbabalik-rueda sa Enero 20 hanggang 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Comments are closed.