MAHIGIT sa 300 entries ang maggigirian sa 2019 World Slasher Cup 9 – Cock Invitational Derby na magsisimula bukas, Enero 28, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Ilang foreign at local participants ang nagharap kahapon para sa tradisyunal na ‘pitting of the birds’ sa Novotel Manila Araneta Center sa Quezon City.
Ayon kay Pit Games Media CEO Manny Berbano, inaasahang magiging mainit ang bakbakan sa Enero 28, 29 at 30 (2-cock elims), Enero 31, Peb. 1 at 2 (3-cock semis), Peb. 3 at 4 (Day 1 at 2 4-cock finals) at Peb. 6 (4-cock Grand Finals).
Suportado ng Excellence Poultry and Livestock Specialists, ang 9-araw na international cockfest kung saan host ang Pintakasi of Champions ay umakit ng pinakamabibigat na derby champions sa kasalukuyan.
Tatangkain ni cockfight idol Patrick Antonio, defending champion na may 8.5 points, na makopo ang kanyang ika-8 fWSC title.
Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga past champion ng WSC: Biboy Enriquez ng Excellence, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art deCastro, Doc Ayong Lorenzo, Boy Marzo, Frank Berin, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos kasama si American partner Bruce Brown ng California.
Hahamunin naman sila ng mga foreigner na sina Lonnie Harper; Marty Bently ng Ohio; Mike Formoso, Erik Rosales, Robert Dominguez at Bruce Brown ng California; Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississippi, Tim Fitzgerald ng Utah, Bobby Fairchild ng Kentucky, Brent Douglas ng Black Bonanza fame at Ernest Atkins ng Tennessee.
Ang iba pang foreign entries ay mula kina Ferdinand Macaraeg, at Soan Sogianto ng Indonesia; Rene Penalosa, Joey Melendres at Greg Berin ng Australia at Mark Salazar ng Malaysia.
Ang iba pang kalahok ay sina Ed Ochoa, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Roel Gatchalian, Allan Siyaco, Celso Evangelista, James Yap, Gerald Ampil, Rhemy Medrano, Arman Santos, Crispin Aguas, Rey Morla, Tony Marfori, Virgilio Lacson, Jun Villanueva, Boyet Plaza, Aylwynn Sy, Ricoy Palmares Jr., Efren Canlas, Doc Marvin Rocafort, Celso Salazar, Jet Fernando, Carlos Tumpalan, Boy De Roca, Dong Chung, Nelson Uy, Terence Madlambayan at Ma. Paz Ducepec, Gerry Escalona, Pol Estrellado, Willard Ty, Ricky Magtuto, Marvin Perez, Eugene Perez, Ken-neth Liao, Ruben Tan, Ding Cajulis, Tady Palma, Ramil Capistrano, Mark Celso, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventura, Boy Montano, Jim-my Junsay, Nestor Vendivil, Ruel Ricafort, Arhur Alonzo, Luis Tapia, Jojo Gatlabayan, Edgar Santos, Rey Directo, Nick Crisostomo, Jun Sevilla, Ed-die Araneta, Felix Trebol, Boy Gamilla, John Gutierrez, Pros Antonio, Wilvin Sy, Jeffrey Sy, Jess Moradas, Bernie Tacoy, Jun Bacolod, lawyer Arcal Astorga, Dante Hinlo, Vic Lacsao, Buboy delos Santos, Hector Magpantay at Osang dela Cruz.
Si Dela Cruz, ang tanging babaeng kalahok sa World Slasher, ay nagbabalik matapos ang dalawang taong ‘di pagsali.
Nagpapasalamat ang World Slasher Cup sa suporta ng Thunderbird, Emperador at Powertrac. Sa mga interesadong parties, maaaring tumawag sa WSC derby office sa 588-4000 loc. 8227 at 911-2928 o kaya ay bisitahin ang website nila sa www.worldslashercup.ph.
Sa mga nais manood ay maaaring bumili ng tcket sa tcketnet Booth, coliseun Circle sa may yellow gate. Nakatakda naman ang WSC Cup 2 sa Marso 2- Hunyo 2, 2019.
Comments are closed.