MAHIGIT 50 taon na ang nakalilipas nang magtatag si Don Amado Araneta ng isang pasabong na maituturing na labanan ng mga kinikilalang sabungero ‘di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ito ay tinaguriang WORLD SLASHER CUP na magmula noon ay nagtatak sa kamalayan ng mga sabungero ang tunay na batayan at sukat ng dekalidad na manok. Isa nang tradisyon, ika nga, at ito ay ginaganap sa SMART ARANETA COLISEUM dalawang beses kada taon tuwing ENERO at MAYO.
Ngayon, ang WORLD SLASHER CUP na marahil ang pinakaprestihiyoso at pinakamalaking pasabong sa ating bansa. Tinaguriang OLYMPICS OF COCKFIGHTING dahil ang paghahanda rito ay taon-taon ang pagpili ng sasali at dapat walang pintas at pinakamagagaling na manok ng mga sabungero.
Taon-taon ay kinasasabikan at pinaghahandaan, kaya markahan na ang kalendaryo dahil maaga pa ay ibinabalita po namin na ang WORLD SLASHER CUP 2019 ay gaganapin sa JANUARY 28 up to the GRAND FINALS sa February 6, 2019. Sa haba ng labanan ay matira matibay at ang magagaling sa breeding at conditioning ang mamamayagpag, mga katangian ng tunay na alamat sa sabong.
We encourage the participants to register their entries early for their cockhouse reservation so they can prepare their gamefowls to this gruelling and toughest 9 COCK DERBY INVITATIONAL DERBY competition. They can contact the WSC DERBY OFFICE at 558-8227 or 911-2928. You can also register on our website, www.worldslashercup.ph.
Para po mapaghandaang mabuti ay narito po ang detalye ng ating derby. Ang unang tatlong araw, Enero 28, 29, at 30 ay para sa 2 COCK ELIMINATION. Ang 3 COCK SEMIFINALS naman po ay gaganapin sa January 31 up to February 2. Ang 4 COCK PRE FINALS ay sa February 3-4 at sa FEBRUARY 6 naman po ang kinasasabikang GRAND FINALS kung saan ang lahat ng walang talong kalahok ay maglalaban-laban. Kung tutuusin, ang Pebrero 5 po ay magiging rest day subalit maaaring magamit din po ang araw na ito depende po sa dami ng entries.
Hindi po maikakaila na ang WORLD SLASHER CUP na kada taon ay ginaganap sa SMART ARANETA COLISEUM ang isa sa napakagandang dahilan kung bakit patuloy na lumalago ang sabong sa ating bansa. Ang isa pang nagbibigay ng kinang ay mga kalahok mula pa sa iba’t ibang bansa tulad ng AMERIKA, GUAM , HAWAII, MEXICO, AUSTRALIA at mga kalapit bansa natin sa ASEAN tulad ng Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam at Cambodia. May mga ilang taga-Middle East at Europe ang sumasali rin sa pasabong na ito.
Maraming mga baguhan, alamat na at beteranong nagpapalahi at mananabong ang siguradong makikipagsapalaran at sasali sa WSC 2019. RAY ALEXANDER, ROGER ROBERTS, CAROL NESMITH, NATHAN JUMPER, apo ng Johnnie JUMPER, LONNIE HARPER, TIM FITZGERALD, BOBBY FAIRCHILD, DINK FAIR, GENE BATIA, JEFF HUDSPETH, JOE SANFORD, ERIK ROSALES ng Mexico, BUTCH CAMBRA ng Hawaii, SOAN SUGIANTO ng Indonesia, SK WONG ng Malaysia. Ilan lamang po ito sa mga sumali na at ang iba ay palaging sumasali sa ating taunang derby.
The Filipinos are the best cockfighters in the world, sabi ni Johnnie Jumper, isang alamat at tinaguriang AMBASSADOR OF COCKFIGHTING in the world. Maaaring tama siya dahil sa matagal ng panahon ay halos Filipinong sabungero ang kumukuha ng titulo sa palabang ito. Nariyan si PATRICK ANTONIO, ESCOLIN BROS, REY BRIONES, BACK TO BACK CHAMPION FRANK BERIN, ANTHONY LIM at marami pang naging kampeon sa makasaysayang yugto ng WORLD SLASHER CUP.
Comments are closed.