ISANG 116- taong gulang na Japanese woman na nag-eenjoy pa sa pag-aaral ng mathematics at paglalaro ng board games ang kinilala na pinakamatandang taong nabubuhay, ayon sa Guinness World Records.
Si Kane Tanaka na isinilang noong Enero 2 1903, ang taon kung kailan inilunsad ng Wright brothers humanity’s first powered flight.
Ipinagdiwang ang pagkakatanghal kay Tanaka bilang oldest living person sa nursing home sa Fukuoka.
Nang tanungin kung ano ang pinakamasayang naganap sa buhay niya ay sinagot niya itong “Now.”
Taong 1922 nang magkaisang dibdib ni Tanaka si Hideo Tanaka at nagbunga ito ng apat na anak.
Si Kane ay nagigising kada alas-6 ng umaga at pinalilipas nito ang oras sa hapon sa pamamagitan ng pag-aaral ng matematika at nagsasanay ng calligraphy.
“One of Kane’s favourite pastimes is a game of Othello and she’s become an expert at the classic board game, often beating rest-home staff,” ayon sa Guinness.
Ang bansang Japan ay isa sa may mataas na life expectancies at marami na rito ang kinilala bilang oldest humans na nabubuhay.
Kabilang dito si Jiroemon Kimura, ang longest-living man na namatay sa kanyang ika-116th birthday noong Hunyo 2013.
Ang pinakamatandang tao na nabuhay ay naitalang si Jeanne Louise Calment of France — na namatay noong 1997 sa gulang na 122, ayon pa rin sa Guinness.
Comments are closed.