WORLDSKILLS COMPETITOR, TESDA EMPLOYEE NA!

TESDA

“NAGPAPASALAMAT ako sa  TESDA dahil  ibinigay  nila ang buong suporta sa aming mga competitors   sa  mga skills competitions na lalong nagpalawak  sa aking kaalaman at kasa­nayan  na  naging daan  sa pagsali ko sa mga international competitions bilang kinatawan ng Filipinas sa mga worldskills competitions.  Ito rin ang daan upang  makapagtrabaho ako agad bilang  Junior Programmer sa TESDA.”

Patrick Niel  Noceja-2Si Patrick Niel  Noceja, 20-taong gulang na taga-Biñan, Laguna ay competitor ng  TESDA –Region 4A sa provincial, regional at zonal skills competition sa  Graphic Design Technology-Web Development Category (GDT-WDC)  kung saan pawang gold ang kanyang iniuuwing medalya.

Bilang TESDA competitor sa GDT-WDC, dalawang beses na siyang sumali sa mga international worldskills competitions.  Ito’y noong 12th Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) Skills Competition  na tinawag na “WorldSkills Bangkok 2018” na ginanap sa  Bangkok, Thailand noong 2018, isa siya sa mga kinatawan ng bansa na  tumanggap ng Medallion for Excellence.  At sa WorldSkills 2019 Competition na idinaos sa Kazan, Russia—  na bagama’t hindi siya nakapag-uwi ng medal, labis nitong tine-treasure ang kanyang mga naging karanasan, na aniya’y kanyang ituturo sa mga susunod na lala-ban sa worldskills. ‘Lahat ng na-experience ko, lahat ng nadama ko, ituturo ko.”

Si Patrick ay nagtapos ng  Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa Informatics International College – Northgate Alabang, isa sa mga accredited technical-vocational institutes (TVIs) ng TESDA,  noong 2018.  Pangawala siya  sa tatlong magkakapatid.  Ang kanyang nanay ay empleyado sa Department of Health (DOH)-Accounting Department na may tanggapan sa Project 4, Quezon City,  habang ang kanyang tatay ay namamahala sa kanilang maliit na negosyo na  may kinalaman sa mga Japan surplus products.  Aniya, dumanas  sila ng hirap noong nasa college siya  dahil nagkasakit ang kanyang nanay matapos itong ma-diagnose na may bukol sa breast  at  sumailalim sa iba’t ibang medications gaya ng chemotheraphy.  “Ito ang dahilan kung kaya nagpursige ako  na lumahok sa mga competitions upang makatulong sa  gastusin sa  pagpapagamot ng kanyang ina.”Naawa talaga ako sa mama ko kaya nagpursige akong sumali sa mga competitions para maka­tulong sa kanyang pagpapagamot.”  Sa ngayon, lubos nang magaling ang kanyang ina dahil  naagapan agad ang kanyang sakit   bago pa ito mauwi sa  cancer.

“Para sa mga kabataan, malaki ang maitutulong ng TESDA lalong-lalo na sa kabataan.  Sa totoo lang sa trabaho, mas mahalaga ang skills kaysa  sa grado na ibi­nibigay ng eskuwelahan na naniniwala ako na  kayang ibigay ng TESDA sa ating mga kabataan ngayon,”payo nito sa  mga kabataan.

Sa kasalukuyan, plano ni Patrick na kumuha ng Master in Computer Science dahil gusto niyang magturo na isa sa kanyang hilig at  magtayo ng outsourcing business na may  kinalaman sa kanyang skills.   Kung may pagkakatong  makapag-abroad, nais nitong magtrabaho sa  bansang Singapore dahil sa  magandang pasahod nito sa  mga IT.  Gayunpaman, sa kasalukuyan nag-e-enjoy si Patrick sa kanyang pagiging empleyado ng TESDA. “ Gusto ko talagang magtrabaho dito sa TESDA.  Gusto ko munang ibalik ang ibinigay na suporta ng TESDA sa aming mga naging competitors sa worldskills  na nagpalawak sa aking skills at agad siyang nakakuha ng trabaho.

Comments are closed.