PINURI ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio G. Tagle ang nangungunang pre-need industry na Eternal Plans sa pagkakaloob sa mga Filipino ng worry-free future para sa kanilang mga pamilya.
Sa isang espesyal na mensahe para sa ika-38 anibersaryo ng kompanya noong Marso 4, sinabi ni Tagle sa management, officers at staff ng Eternal Plans na maipagmamalaki ang mahalagang serbisyo na ipinagkakaloob sa mamamayan.
Binigyang diin nito na sa halos 40 dekada na ngayon, ang kompanya na itinatag ng yumaong Ambassador Antonio L. Cabangon Chua ay tumulong sa mga Filipino –sa pamamagitan ng various plans and programs – upang makabuo ng matatag na bukas para sa kanilang mga pamilya.
Pinuri ni Tagle ang Eternal Plans gayundin ang pagpapatibay sa tema ng selebrasyon nila na “Paramihin, Palawakin, Panalo!” Sinabi niya na ang te-mang ito ay nagpapahayag ng “your commitment and determination to realize the dream of your founder for Eternal Plans: that it be a company offering a worry-free future to Filipinos, a company striving to serve the most number of Filipinos.”
Itinatag noong 1981 ni Ambassador Cabangon Chua ang Eternal Plans bilang tagapagkaloob ng mga produktong tumutugon sa pangangailangan ng mga Filipino. Binuo upang maghandog ng memorial life plan na kokompleto sa memorial lot business ng kapatid na kompanya nitong Eternal Gardens. Ang Eternal plans sa kasalukuyan ay isa lamang sa tatlong pre-need companies na awtorisadong nag-aalok ng life, pension at education plans.
Sa tala ng kompanya, natulungan ng education plans nito ang halos 20,000 scholars na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa paggamit ng kanilang education plan benefits. Libo-libong Filipino na nawalan ng mahal sa buhay ang gumamit ng life plan, habang libo-libo rin ang nakatanggap na ng retirement benefits nang mag-mature ang kanilang pension plans.
Comments are closed.