WOW PILIPINAS PARTYLIST PASOK SA TOP 10

WOW PILIPINAS

PASOK ang bagong party list group na WOW Pilipinas sa top ten sa isinagawang party-list survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc (RPMDINC) National Capital Region na inilabas kahapon.

Ang WOW Pilipinas ay isang tourism sector party-list, na ang adbokasiya ay isulong ang isang sustainable quality at modernong tourism development, at kinakatawan ni 1st nominee Patricia Keng.

Sa non-commissioned survey na may 8,000 respondents, at isinagawa mula Abril 22 hanggang 27, 2019, lumilitaw na 4.5% ng mga botante, ang nagsabing boboto sila sa nasabing grupo, kumpara sa 134 grupo na kalaban nila sa eleksiyon.

Ang naturang ratings ng WOW Pilipinas ay katumbas ng 218,396 boto sa National Capital Region pa lamang.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, ng  RP-Mission and Development Foundation Inc., nagawa ng WOW Pilipinas na i-translate ang kanilang popularity sa boto.

Napakataas ng recall ng naturang party-list group matapos itong iendorso ni Sen. Manny Pacquiao at matapos na ma-appreciate ng mga botante ang adbokasiya ng grupo na i-promote ang turismo sa bansa, na nangangahulugan ng karagdagang kita sa pamahalaan at paglikha ng trabaho.

Sa naturang survey, nananatili naman ang Gabriela Women’s Party sa unang puwesto, na may 10.8%; sumunod ang Buhay Hayaang Yumabong (9.3%); at Ako Bicol Political Party (6.1%).

Ang iba pang grupo na nakakuha ng may 2% sa RPMDINC survey ay ang Anakpawis (5.5%); Akbayan Citizens Action Party (5.1%); Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines (4.7%); Bayan Muna (4.2%); Serbisyo sa Bayan Partylist (3.4%); at ACT Teachers (3.2%).

Lahat ng naturang grupo ay kinatawan na ngayon sa Kongreso, maliban sa WOW Pilipinas, na isang bagong grupo lamang.

Batay sa Party List law, ang botong katumbas ng 2% ng total voters ay garantiya na ang isang party list group ay makakopo ng isang pwesto sa Kongreso.

Ang naturang batas ay inamiyendahan naman ng Supreme Court upang matiyak na ang party list groups ang bubuo sa 20% ng House of Representatives.

Comments are closed.