NAG-LAST taping day ang “Wowowin” nu’ng August 28.
Huling mapanonood ang na-tape na programa sa September 27.
Ayon sa “Wowowin” host na si Willie Revillame, pagagandahin nilang lalo ang “Wowowin” studio dahil habang nagtatagal ay lumalawak ang kanilang audience.
Ibig ding makapagpahinga sandali ang TV host para sa nalalapit na Kapaskuhan.
“Ber” month na kasi at magpa-Pasko kaya marami silang inihahandang pagbabago para sa programa. Sambit ni Kuya Wil, “last taping namin po ngayong araw na eto. Pero sa pagbabalik namin sa September 27, tiyak lahat naman kayo ay matutuwa.
“Marami pong pagbabago sa aming programa na tiyak kalulugdan. Maraming papremyo ang ming ipamimigay. Lalo po naming pasasayahin ang inyong Kapaskuhan.”
May pahaging pa si Kuya Wil na baka raw madagdagan ng araw ang “Wowowin.”
“Baka po mapanood na rin tayo tuwing Sabado. And it’s a back-to-back show,” sambit ni Kuya Wil,
Sinabi niyang ‘wag daw muna naming isusulat.
Pero sorry Kuya Wil, kung nasulat namin. Kasi kini-claim na naming matuloy dahil maraming “Wowowin” audience ang gusto ka talagang napanonood. Ang additional one day ng iyong programa ay dagdag kaligayahan sa iyong taga-suporta.
Bahala na po kayong mag-isip kung ano’ng programa ang magiging ka-back-to-back ng ‘Wowowin’ if ever na matuloy ang Sabado episode. And hopefully nga po ay matuloy.
JOSHUA, SOLO FLIGHT SA HAMBURGER AD, JULIA, TSUGI NA
NAGSO-SOLO ngayon si Joshua Garcia sa bagong ad ng Jollibee burger na dati ay sila ni Julia Barretto ang magkasama.
Pagbabahagi ng young actor sa kanyang socmed, “Nakita n’yo na ba ‘yung bagong sorpresa ng @Jollibee? Ang saya ko kasi #MayBaconNaBaby #BaconCheesyYumburger (heart emoji)”
Dahil dito, samu’t saring komento na naman ang pinakawalan ng bashers ni Julia.
Ani ng netizens, ligwak na raw si Julia sa nasabing commercial ad.
May nagsabi pang, “Mas maganda yan masyadong fake na kung may kasama si Joshua. At maganda rin na magsolo siya. May dalang nega kasi ‘yung kaloveteam mo.”
Tanong tuloy ng isang netizen, wala na raw bang commercial ang young actress?
“Bye bye Chulyaaa! Management na lang ng Dos ang push na push sa kanya at pilit pinapabango ang name,” sagot naman ng isang basher.
Eto naman ang isang litanya ng netizen, “If Julia was removed from the endorsement, it only means mismong kompanya, wala nang tiwala sa kanya. Family oriented brands most especially, they want reliable figures who have good reputation and can represent them well. I really feel bad for Julia because her team up with Joshua gave her career the boost she needed pero nagpabaya.
Sa kagustuhan nilang mag-ina na mapag-usapan, pinatagal nila masyado. Nagpaliwanag kung kailan too late na. Sila tuloy lalo nawalan.
“Si Joshua lang naman kasi ang nag-angat kay Julia. Soar higher even if means soaring alone.
“Makaka-survive tong si Joshua. Buti ‘di sya nadamay at nahila rin pababa.”
“Pag positive ang vibes at masipag, pinagpapala like Joshua. Buti yan mag solo ka na lang.”
Nakakalokah talaga ang komento ng magkabilang panig, dahil lang sa isang simpleng hamburger ad mukhang lumalaki na naman ang isyu sa pagitan ng JoshLia, huh!!!
Comments are closed.