WPS CRISIS MAKAAAPEKTO SA PAGPASOK NG FOREIGN INVESTORS

POSIBLENG  makaapekto sa pagpasok ng investors sa Pilipinas ang nangyayaring krisis sa West Philippine Sea, ayon kay House Minority Leader at 4 PC Representative Marcelino Libanan dahil maaaring ituring na banta sa seguridad ang tensyon sa pinagtatalunang teritoryo.

“It might dampen the Philippines’ efforts to attract additional foreign direct investments (FDI) that are badly needed to produce new jobs for Filipinos….We are very concerned that prospective foreign investors might misperceive and misunderstand the tensions as a looming security risk,”sabi ni Libanan.

Posible aniya na mapawalang kabuluhan ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa. Ipinag-aalala ng mambabatas na baka mapagkamalang banta sa seguridad ang nangayayaring tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pinag-aagawang teritoryo.

Giit pa ng kongresista, patuloy ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. sa ibang bansa upang hikayatin ang mga mamumuhunan at malalaking korporasyon upang magtayo ng kanilang mga factory sa Pilipinas.

“President Marcos himself has been visiting other countries “precisely to encourage their corporations to put up factories in the Philippines…In fact, we, in Congress, are even trying to find ways to relax the restrictive economic provisions of our Constitution, in order to lure more foreign investors to come in and create new employment opportunities for Filipinos,”ani Libanan, patungkol sa pagpasa kamakailan sa third at final reading ng Resolution of Both Houses (RBH) No.7.

“We reassure potential foreign investors that regardless of the maritime dispute, the Philippines remains highly conducive to profitable business activities”, sabi nito.

Sa kabila ng tensyon,dapat aniyang maipakita ng Pilipinas ang pagkakaroon nito ng stable, mapayapa at ligtas na lugar para makahikayat ng foreign direct investors (FDIs). MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA