WRESTLING SA PH PALALAKASIN

Wrestling

MATAPOS ang Southeast Asian Games na ginawa sa Pinas, sinabi ni Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na nakasentro ang kanyang atensiyon sa dalawang torneo — ang Asian Wrestling Championships  at Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa susunod na taon.

“Dito naka-focus ang aking attention sa dala­wang tournament na ito. Kailangang paghandaan natin ito at muling makapagbigay ng karangalan ang ating mga wrestler sa bansa,” sabi ni Aguilar.

Aniya, magsasagawa siya ng serye ng eliminations at kukunin ang pinakamagagaling na wrestlers na kakatawan sa bansa sa dalawang nasabing international competitions.

“We will select the best wrestlers to represent the country in two high level competitions. Kailangan ang ipadadala natin ay malakas dahil Asian level ang competitions,” pahayag ni Aguilar.

Sinabi pa ni Aguilar na palalakasin niya ang kanyang grassroots program upang makatuklas na mga batang may potensiyal para sa future international competitions.

“Maraming magaga­ling sa kanayunan. Kailangang palakasin ko ang grassroots program ko para makatuklas na mga batang may  angking galing sa wrestling. Kailangan ay marami tayong torneo para mahikayat ang mga kabataan na maglaro ng wrestling,” ani Aguilar.

Magugunitang nag-donate ang Korea Wrestling Association ng equipment para gamitin ng mga Pinoy sa kanilang training. CLYDE MARIANO

Comments are closed.