TATALAKAYIN ngayon ang Wrestling Association of the Philippines 2020 Nationals at ang R & C Road and Trail Run event sa 54th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports ( TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Ibabahagi ni WAP president Alvin Aguilar at ng mga piniling participant ang magiging kaganapan sa two-day wrestling competition na nakatakda sa Marso 7-8 sa Festival Mall sa Alabang.
Dadalo rin sa alas-10 ng umagang session sina R&C officials Niel A. Parco, Raegina Atienza at Joanna Liu, na tatalakayin naman ang paghataw ng R&C sa Atimonan, Quezon.
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at miyembro, maging ang mga kaibigan sa sports community, na dumalo sa weekly public service program na mapapanood nang live sa Facebook via Glitter Livestream. Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, reporters at photographers mula sa leading national tabloids sa bansa.
Nadale ng right leg injury itong si June Mar Fajardo noong February 3 sa kanilang practice. Dinala agad si Fajardo sa hospital upang malaman kung ano ang injury nito. Ayun, kinabukasan ay inoperahan ang tuhod ng player kaya malamang ay hindi na ito makapaglaro sa Philippine Cup na magbubukas sa March 1. Sa pagkakaroon ng injury ni Fajardo, pati ang paglalaro niya sa Gilas Pilipinas ay apektado rin. Pagkatapos ng isang linggo sa paghilom ng kanyang sugat ay sasailalim naman ang Cebuano sa rehabilitation para maka-recover agad. Nagpapasalamat ang San Miguel management sa concern ng fans kay June Mar.
Wala pa ring kupas ang PBA legend at actor/comedian na si Yoyong Martirez sa pagpapatawa. Kahapon ay naging panauhin siya sa Eat Bulaga para maglaro sa segment ng variety show na BAWAL JUDGMENTAL. Simple lang ang dating player na ngayon ay konsehal sa Pasig City. Malakas pa at kayang-kaya pa niyang sumayaw na humahataw kada tama ang napili niya. Ang huling team na pinaglaruan ni Martirez sa PBA ay ang San Miguel Beer. Isang mahusay na point guard noong kalakasan niya. Laking pasasalamat ni Martirez na napili siyang maging panauhin at maglaro sa EAT BULAGA. Congrats.
Tsika namin, isa si Rome dela Rosa ng Magnolia Hotshots sa candidate para sa best defensive team ngayong taon. He deserves naman na mapasama sa ‘most defensive team of the year’ na pararangalan sa opening ng Philippine Cup sa March 1. Unang nakapaglaro si Dela Rosa sa kampo ng Alaska Aces. Nang malipat siya sa Hotshots ay pinagkatiwalaan siya ni coach Chito Victolero. Matapang sa loob ng court, walang kinatatakutan kahit sinong bantayan, mapa-import man o mas matangkad pa sa kanya. Basta ang mahalaga ay madepensahan niya ang kalaban. Good luck!
PAHABOL: Happy birthday sa manugang kong si Roger M. Jingco. More b-days to come and good health. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa mag-ina mo, lalo na sa apo kong si Forky. Belated happy birthday naman sa biyenan kong si Nanay Carmen. Bigyan ka pa sana ng magandang kalusugan at mahabang buhay ng Panginoong Diyos.
Comments are closed.