PORMAL at simbolikong tinanggap ng dalawang nagkampeon sa katatapos na 2019 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby ang pinakaaasam na silver-plated cup na nagmula pa sa Hong Kong.
Ang awarding ceremony ay ginanap noong Biyernes ng hapon sa Novotel Manila Araneta Center para sa dalawang winners, sina multiple champs Frank Berin at Nene Araneta (Thunderbird 1), Rey Cañedo at Jun Durano (RC Warriors JD). Ang dalawang entries na ito ay parehong nakapagtala ng walong panalo sa grand finals sa naturang derby.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga nanalong 2019 Binibining Pilipinas queens na sina Miss Universe 2019 Gazini Ganados, Binibining Pilipinas Grand International 2019 Samantha Lo, Binibining Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao, Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Bautista, at Binibining Pilipinas 2019 first runner-up Aya Abesamis.
Tinalo ng RC Warriors JD ang RNK entry ng first-timer na si Reynaldo Villanueva na naging runner-up lamang kasama si two-time WSC champ Honey Yu, na kapwa nakapagtala ng pitong panalo.
Ang iba pang top scorers sa WSC 2 ay sina Caloy Datu/ Lawrence Villanueva, Fermie Medina/ Rhona Bullecer/ Mark Cruz, Marvin Rillo, Alpha Team at Ricky Magtuto/JMW na may tig 6.5 points; Antonio dela Pena, Vince Maranan ng Rizal, Carlos Camacho ng Guam/ Jorge Gotia ng California, Sierra Brothers, Jepoy/ Boy de Roca, Mauro Prieto at four-time WSC Rey Briones, Escolin Broth-ers, at sabong idol Patrick Antonio.
Sponsor sa naturang event ang Thunderbird at Emperador, habang media sponsors naman ang PitGames Media, Inc., Balita at Tempo, The Journal Group (People’s Journal at People’s Tonight), PILIPINO Mirror, Saksi Ngayon, at Diaryo Bomba. DADI TSIKEN
Comments are closed.