WSC 2 LALARGA SA BIG DOME

WSC

LIBO-LIBONG sabong enthusiasts ang inaasahang dadagsa sa opening round ng 2019 World Slasher Cup 2 Invitational 9 -Cock Derby ngayong araw, Mayo 27, sa Smart Araneta Coliseum.

Mahigit 100 local at international sabong stars ang magsasagupa sa 2-cock elimination round ngayong araw, habang ang iba pang 100 contenders ay maglalaban-laban bukas, Martes.

Ilan sa major sponsors ng WSC ang Pitgames Media Inc.,Thunderbird, Emperador, TV5’s ‘All New Tukaan’,  ABS-CBN Action + Sports, ‘Sagupaan’, ‘Sabong Nation’, ‘Sabong Pilipinas’, ‘Bakbakan Na TV’, The Sabong Chronicles, .Journal Group, PILIPINO Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba.

Ang mga qualifier ay aabante 3-cock semifinals sa Mayo 29 at 30.

Ang mga kalahok na nakakuha ng scores na 2, 2.5, 3 at 3.5 points ay magsasalpukan sa Mayo 31 para sa 4 -cock finale, habang ang mga nakapag-tala ng 4, 4.5 and 5 points ay magsasagupa para sa 4 -cock grand finals sa Hunyo 2.

Tinagurian bilang ‘Olympics of Cockfighting’, ang WSC 2 ay sinasabng  pinakamahirap na format ngayong taon kung saan maraming mabibigat na breeders ang inaasahang magsasagupa para sa minimithing Slasher title, ayon kay Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano, na isa sa mga lalahok ka-partner si Doc Ayong Lorenzo.

Ilan sa mga paborito ang mga dating WSC champ tulad nina sabong idol Patrick Antonio, Frank Berin, vice mayor Jubee Navarro, Rey Briones, Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Noel Jarin, Dicky Lim,  Biboy Enriquez, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari, Honey Yu, Joey delos Santos at Rikki Reyes.

Inaasahan ding lalahok sina Rey Canedo, Cris Sioson, James Uy, Mel Lim, Roel Gatchalian, Marc Cruz, Kenneth Liao, Gerry Escalona, Marvin Perez, Rey Morla, Jojo Gatlabayan, Jess Moradas, Atty. Arcal Astorga, Wilvin Sy, Alwynn Sy, Ramil Capistrano, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventura, Ed Ochoa, Rep. Gerry Espina and lady cockers Robie Yu at Osang dela Cruz.

Inaasahan din na magdadala ng kanilang mga pangdiinan ang mga foreign breeder na sina Ray Alexander at Engr. Matthew Dunne (Alabama); Mike Formosa, Jorge Goitia, at Rene Medina (California); Roger Roberts (Georgia); Wilber Le Blanc at Richard Harris (Louisiana); Del Almojera (Florida); Butch Cambra (Hawaii); at Owen Medina at Peter Elm (Guam), Larry Whitehead, Ed Ladores, James at Charles Wolf, Greg Berin (Australia), at Soan Sogianto (Indonesia).

Ang Amerikanong breeder mula Kentucky na si Cris Copas at ang partner nito na si Gov. Claude Bautista ng Mindanao ang solo champion ng WSC 1 noong Pebrero.

Samantala, ang four-time WSC champ na si Briones naman ang defending champion at WSC 2 solo winner noong nakaraang taon kung saan nakakuha siya ng 7.5 points. DADI TSIKEN

Comments are closed.