WSC 2 SEMIS SIMULA NA

WSC2

LALARGA ngayong araw, Mayo 29, ang unang round ng semifinals ng 2019 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Magsasagupa ang mga qualifier sa 3-cock semifinals na pinangu­ngunahan ng mga dating WSC champs na sina Patrick Antonio, Frank Berin at Rey Briones.

Bukod kina Antonio, Berin at Briones, nakapagtala rin ng tig-dada­lawang panalo sa 2-cock eliminations sina Pol Estrellado, Dante Eslabon at Escolin Bros., Mark Calixto, Emil Tiu, Atty. Henry Tubban at Ricky Dago, Louie Tulang at Boss Toyoy, Felix Gatchalian at Jerry Robles.

Umabante rin sa semifinal round sina Biboy Enriquez; Rey Canedo; Chris Sioson at Manny Berbano; Jess Moradas; Rene Medina at Dennis Lasala; Richard Perez; Vic Santos at Nestor Vendivil; Jun Bacolod; Jonjon Alegre; Ito Ynares; Ayong Lorenzo at Manny Berbano; Jojo Gatlabayan, R. Felix, Rey Directo at D. Villalon; Randy Rabadon; Vince Maranan; Bernos; Jervy Maglunob, ADY, at Noel Cosico; Carlos Camacho at Jorge Goitia; Ka Ador Pleyto, Dela Cruz Bros.; Noli Fernandez, Charlie Cruz at Osang Dela Cruz.

May 77 sultada sa opening round noong Lunes ng gabi, habang hinihintay  pa ang resulta ng laban sa second round eliminations na may 69 sultada na isinasagawa hanggang press time kahapon.

Ang 3-cock semifinals ay nakatakda mula Mayo 29 hanggang Mayo 30.

Samantala, ang entries na nakakuha ng scores na 2, 2.5, 3 at 3.5 points ay sasabak sa Mayo 31 para sa 4 -cock pre-finals habang ang mga may 4, 4.5 at 5 points ay magbabakbakan sa Hunyo 2 para sa 4 -cock grand finals.

Tinagurian bilang ‘Olympics of Cockfighting’, ang WSC ay suportado ng Pitgames Media Inc.,Thunderbird, Emperador, TV5’s ‘All New Tukaan’,  ABS-CBN Action + Sports, ‘Sagupaan’, ‘Sabong Nation’, ‘Sabong Pilipinas’, ‘Bakbakan Na TV’, The Sabong Chronicles, Journal Group, PILIPINO  Mirror, Saksi Nga­yon at Di-aryo Bomba. DADI TSIKEN