WSC GRAND FINALS SISIYAPOL NA

SABONG NGAYON

SISIYAPOL na mamayang gabi, Enero 26, ang 4-cock grand finals ng pinakaprestihiyosong cockfighting event sa buong mundo, ang 2020 World Slasher Cup-1 9-cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Ara­neta Coliseum.

Magbabakbakan sa grand finals ang mga kalahok na nakaiskor ng 4, 4.5, at 5 points pagkatapos manalo sa 2-cock eliminations at 3-cock semis.

Sasagupa sa grand finals ang mga betetano sa World Slasher Cup na sina Edwin Tose, Boyet Legaspi, at Boy Montano na pawang may 5-0 na iskor.

Hindi rin nalalayo ang mga dating kampeon na sina Martin Escolin (4-1), Magno Lim (4-1) at Gengen Arayata (4.5-0.5) na pare-parehong nais masungkit ang kanilang pangalawang WSC title.

Ngunit siguradong daraan muna sila sa butas ng karayom kapag nakatapat nila sina three-time WSC champ Frank Berin (4-1) at seven time WSC champion Patrick Antonio (4-1).

Ilan pang kilalang pangalan sa larangan ng sabong ang nagkipagbakbakan din sa pre-finals kagabi, ­Enero 25, para sa mga nakapagtala ng 2,2.5,3 at 3.5 points patungo sa finals.

Ilan sa kanila ay ang mga beteranong sina Nene Araneta, Rey Canedo, Chris Sioson at foreign contingent mula Guam at Hawaii.

Ang tatangha­ling kampeon sa anim na araw ng torneo ay tatanggap ng tropeo, cash prize at higit sa lahat ng karangalan na mapabilang sa pinakamamagaling na sabungero.

Ilan pa sa nangu­ngunang WSC entries ay ang 419 Ds Solid North Gf (5-0), Mavin’s Center (5-0), Cela’s Rice Mill (5-0), Mercado Brothers @ Gf Ni Pedro (5-0), 419 Jp Dragon Jd (5-0) at Batang San Juan (5-0).