MAGMULA nang laruin ang wushu sa Southeast Asian Games ay laging nananalo ang mga Pinoy sa naturang sport kung saan ang kanilang pinakamagandang showing ay noong 2005 edition sa Manila sa paghakot ng 11 gold, 4 silver at 2 bronze medals.
Dalawa sa ginto ay galing kina Eduard Foloyang at Rene Catalan, kapwa matagumpay na professional mixed martial arts fighters at hanggang ngayon ay umaani ng mga karangalan sa labas ng bansa.
Nahigitan ng 11-4-2 total medals ang 6-4-5 na nakopo ng Filipinas noong 2003 kung saan gumanap si wushu secretary general Julian Camacho bilang deputy Chief of Mission bago hinirang na delegation head noong 2015 SEA Games sa Singapore.
Kumpiyansa si Camacho na mapananatili ng mga Pinoy ang pagiging consistent medal producer mula nang isama ang wushu sa SEA Games.
“Our ultimate goal is to keep the winning tradition and I am confident they will preserve the lofty billing because our athletes are well-honed and their skills toughened by series of high level international competitions,” sabi ni Camacho.
“Our athletes are more inspired and determined to win because SEA Games will be held in Manila. They will do everything to win many golds, silvers and bronzes to please their countrymen,” dagdag pa niya.
Aniya, ang kanilang mga atleta ay kasalukuyang nagsasanay sa China bilang paghahanda sa SEA Games.
Kamakailan ay nanalo ang mga Pinoy ng 7 golds, 1 silver at 3 bronzes sa Wushu Championships na ginawa sa Shanghai.
Pinangunahan nina Asian Games medalist Agatha Chrystenzen Wong, Jonathan Gajo, John Inso, Daniel Parantac at Thornton Sayan ang kampanya ng Filipinas sa nasabing torneo.
Sina Wong at Gajo ay nagwagi ng tig- dalawang ginto, si Inso ng isang ginto at isang pilak, habang nag-uwi si Parantac ng isang ginto at isang tanso.
Ang kampanya ng mga Pinoy ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Philippine Olympic Committee.
“Their success in Shanghai evidently showed their preparedness to face their rivals fair and square,” ani Camacho.
Ang wushu ay kasama sa sports na inaasahang hahakot ng medalya sa biennial meet. CLYDE MARIANO
Comments are closed.