WUSHU HAHAKOT NG MEDALYA SA SEAG

wushu

HINDI gaanong nakatulong ang wushu sa medal campaign ng Filipinas sa 2017 Southeast Asian Games dahil binawasan ng host Malaysia ang events para malimitahan ang mga kalaban at madali nilang makuha ang overall championship.

Dahil ang 30th edition ng biennial meet ay gagawin sa bansa,  kumpiyansa si wushu secretary general Julian Camacho na marami silang makukuhang  medalya. Aniya, lahat ng events ay lalaruin ‘di tulad sa Malaysia.

“May kasabihan nga weather, weather lang. Sa atin gagawin ang SEA Games,  tayo naman ang masusunod. Lahat ng events sa wushu ay kasama. Hindi sila puwedeng magreklamo dahil tayo ang masusunod bilang host country,” sabi ni Camacho.

Hindi naman sinabi ni Camacho kung ilang medalya ang kukunin ng mga Pinoy sa wushu.

“Kung  ako ang masusunod gusto ko kunin lahat para lahat tayo masaya,” pabirong pahayag ni Camacho.

Dahil ang wushu ay nagmula sa China, sinabi ni Camacho na malakas ang Vietnam, Singapore at Malaysia.

“Honestly speaking, all of them are strong. Countries with Chinese influence are basically strong but not invulnerable. Our athletes are strong and capable of beating them,” dagdag pa ni Camacho.

Ang wushu ay kasama sa priority sports ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinumumunuan ni Chairman William Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.