PALALAKASIN ng Wushu Federation of the Philippines ang kanilang grassroots programs para makatuklas na mga bagong atleta na may potensiyal na katawanin ang bansa sa mga international competition.
“We will strengthen the programs to tap young promising talents to supplant athletes set to retire from active competitions. Some of our athletes are not getting younger anymore, someday they will cease competing. It is proper and logical to look fresh talents,” pahayag ni Wushu Federation of the Philippines secretary-general Julian Camacho
“We will focus on this aspect because that is the main objective of association president Tan She Ling, look for young potential athletes, develop and transform them to world class beaters,” wika ni Camacho.
Sinabi ni Camacho na mas maraming pool of talents ay mas mainam dahil maraming pagpipilian at madaling makakakuha ng magagaling.
“The more athletes we have the better. We have no problem getting good athletes because we have abundance of talents,” pali-wanang pa ni Camacho.
Magugunitang naglaro si Eduard Folayang sa wushu at maraming ibinigay na karangalan sa bansa bago naging professional martial arts fighter.
Ayon kay Camacho, karamihan sa mga wushu athlete ay galing sa Iloilo, Mountain Province, Baguio, Davao at Zamboanga.
Ang wushu ay laging nagbibigay ng karangalan sa Pinas at umaasa si Camacho na muling mag-uuwi ng medalya ang kanilang mga atleta gaya ng ginawa nila sa World Wushu, Asian Wushu, Asian Games, at SEA Games.
Ang wushu ay dalawang beses na naging National Sport Association of the Year. CLYDE MARIANO
Comments are closed.