INANUNSIYO ng Xerox kamakailan na tinatapos na nila ang iminungkahing pakikipagsanib sa Fujifilm at ang pagtatalaga ng bagong chief executive matapos itong pumasok sa isang settlement sa activist shareholders na tinutulan ang takeover.
Sa isang pahayag sa kanilang website, binanggit ng Xerox ang “material deviations” sa audited financials ng kasalukuyang joint venture na kilala bilang Fuji Xerox na kontrolado ng Fujifilm.
Ito ay sinundan ng isang kaso mula sa malakas na shareholders na sina Carl Icahn at Darwin Deason na matigas na tinutulan ang pagsasanib na ina-nunsiyo na noon pang Enero.
Dagdag pa ng Xerox na nag-resign na si Jeff Jacobson sa kanyang papel bilang CEO ng kompanya, kasama ang limang board members na pinalitan naman ng bagong limang miyembro.
Ang bagong board ay pamumunuan ni Keith Cozza, na siyang kasalukuyang CEO ng Icahn Enterprises, habang ang bagong CEO na nakatalagang si John Visentin.
Agad magpupulong ang bagong board to “evaluate all strategic alternatives to maximize shareholder value.”
Ayon kay Icahn: “We are extremely pleased that Xerox finally terminated the ill-advised scheme to cede control of the company to Fujifilm.
“With that behind us and new shareholder-focused leadership in place, today marks a new beginning for Xerox.”
Ang hindi pagkakasundo ay siyang pinakahuli sa isang malaking kompanya at isang high-profile shareholder activist, sa kasong ito na si Icahn, isang battle-tested billionaire na agresibong humamon sa mga kompanya mula pa noong 1980s.
Si Icahn at Deason ay nanalo sa isang temporary injunction laban sa pagsasanib nito lamang Abril matapos na ang isang huwes sa New York ay pumayag sa isang deal na binigyang prayoridad ng interest ng Xerox CEO kaysa sa shareholders ng kompanya.
Comments are closed.