NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na walang kinalaman ang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa kumpirmasyon ng Mislatel Consortium bilang ikatlong telco player sa bansa.
Paglilinaw ni DICT Acting Sec. Eliseo Rio, nasa timebound ito ng terms of reference para sa pagpili ng sunod na telco player.
Nabatid na nitong Lunes ay opisyal ng kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel bilang third major telco player sa Filipinas.
Kasabay nito ang kumpirmasyon ng Kamara sa pagiging valid ng prangkisa ng Mislatel.
Una nang hiniling ng Mislatel na maglabas ng liham ang Kamara na maglalahad ng pagiging valid ng Republic Act No. 8627 o “An Act Granting the Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (Mislatel), a Franchise to Construct, Establish, Install, Maintain and Operate Wire and/or Wireless Telecommunications Systems in the Philippines.”
Kaugnay ng nasabing kumpirmasyon, inihayag ng House Franchise Committee na walang natatanggap na anumang impormasyon o desisyon mula sa anumang korte sa bansa ang komite na humihiling o order na nagkakansela sa prangkisa ng Mislatel. VERLIN RUIZ
Comments are closed.