XIAN LIM, GERARD ANDERSON AABANGAN SA MPBL

on the spot- pilipino mirror

HINDI pa nakapaglaro si Calvin Abueva sa kanyang mother team na Alaska Aces dahil sa hindi pagpapakita ng dalawang linggo sa ensayo ng koponan. Bumalik na si Abueva noong nakaraang Sabado sa team subalit hindi muna siya pinag-practice bagkus ay sinuspende siya ni team owner Wilfred Uytengsu.

Wala naman umanong problema sa Gilas kung tatanggapin si Calvin ni coach Chot Reyes. Sana naman kahit sa Gilas ay paglaruin na si Abueva, kung alam lang nila na masyadong mabigat ang kinakaharap na problema ng player. Sa pagkakataong ito, sana ay magsilbing aral na sa kanya na hindi lahat totoo ang mga kabutihan at magandang ipinakikita sa kanya. Kukunin lang ang loob niya para ‘di makita ang planong hindi maganda para sa kanya. Sa totoo lang, mapagmahal na anak at ama si Calvin, sana naman ay makabalik agad siya sa kanyang team.

Go, Calvin, kaya mo ‘yan.

oOo

Naitala ng Barangay Ginebra ang ikalawang panalo laban sa NLEX  Road Warriors, 93-85, sa out of town game sa Legaspi City. May 2-5 rekord ang Gin Kings.

Nakabalik na rin sa porma si Greg Slaughter, nawa’y tuloy-tuloy na ang paglalaro nito pagkatapos ang 6 months na paghihintay na gumaling sa kanyang ACL injury. Ayon nga sa supporters ng Ginebra, tuloy-tuloy na rin ang kanilang pagpa­panalo.

oOo

Second conference na ng Maharlika League. Mula sa 10 teams noong nag-uumpisa pa lang sila noong Enero ay mayroon na itong 26 teams. Kalimitan ay sa opening na 1st conference lang nagpaparada ng mga mu­sesang ang bawat team pero sa MPBL ni Senator Manny Pacquiao, na siyang founder ng liga, ay muling magpaparada ng naggagandahang muses ang mga kalahok na koponan kung saan bukas na magsisimula ang liga sa Araneta Coliseum. Siguradong da­dagsain ang pagbubukas ng liga sapagkat ang mga manonood ay may tsansang manalo ng 26 motorcycles at isang brand new car.

Ang opening ay magsisimula ng alas-7 ng gabi, habang ang laro ay aarangkada ng alas-7:30 ng gabi.

Ang unang laro ay ang salpukan ng Marikina Shoesmaster at General Santos, na susundan ng duwelo ng Mandaluyong at Muntinlupa. Masusubukan ang dalawang aktor na sina Xian Lim para sa Muntinlupa at Gerard Anderson sa kampo ng Marikina.

oOo

PAHABOL: Welcome home kay coach Nat Canson at sa kanyang pretty wife na si Tess Canson. May ­ilang buwan na rin sila sa Pinas na nagbabakasyon. Sa totoo lang, ha, malakas pa si coach Canson, 77 yrs. old na siya pero maganda pa rin ang kanyang pangangatawan. Katunayan, naglalaro pa ito ng tennis sa Amerika. Anyway, thanks for the dinner, ninong coach and ninang.

Hope to see you again bago kayo bumalik sa Tate… And hello, my sister Mhel Rillera and my niece Kim Rillera Johnston, my apo Caide and to his dad. See you soon.

Comments are closed.