MAHIHIRAPAN ang publiko na magkaroon ng access sa statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga mambabatas
Sa inilabas na House Resolution 2467, pagbobotohan muna sa plenaryo ang paghingi ng kopya ng SALN kung saan magpapakita muna ng identification request at isaad ang kanilang intensiyon.
Ang mga indibidwal na hihingi ng SALN ay kailangang magbayad ng P300 kada kopya.
Samantala, nilinaw ni House Majority Leader Fredenil Castro na ang sinasabing resolusyon ay magpapadali sa pag-access sa SALN ng mga mambabatas kung saan hindi na ito kailangang idaan sa korte.
Kaugnay nito ay wala namang balak magpatupad ng mas mahigpit na proseso at panukala sa pagpapalabas ng SALN ang Senado.
Tiniyak ito ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kabila naman ng anunsiyo ng Kongreso ng kanilang paghihigpit.
“The Senate has the same formula as the Supreme Court. Hindi (mag-iimplement ng stricter rules) basta the Supreme Court’s stand on it is the same as the Senate,” pagtitiyak ni Sotto sa media.
Pinaboran ito ni Senator Sherwin Gatchalian at sinabing mas mainam ito para sa transparency ng Senado sa publiko.
“Kung may transparency, ang mga public official ay magkakaroon [ng] accountability rin sa tao so dapat gawin nating simple, mas mabilis, at mas transparent ang proseso. We also need to balance ‘yung mga nagre-request na ginagamit ‘yun sa pangha-harrass. So puwede naman tayong maglagay ng safe-guards,” paliwanag ni Gatchalian.
“Kung wala ka namang tinatago, kung lahat naman ay legitimate ‘yung pinanggagalingan ng income mo, tingin ko puwedeng ilabas kung ano ang nakasulat at dineclare mo. Once you declare it, it becomes a public document,” dagdag pa nito. (May dagdag na ulat ang DWIZ882)
Comments are closed.