Trivia ni Eunice Celario
Sagot:. SI Pangulong Elpidio Quirino.
Alam n’yo ba na hindi sinadya ni Pangulong Quirino na hindi sumipot sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong January 23, 1950.
Gayunman, nagawa naman niyang maipabatid at mapakinggan ng taumbayan ang kanyang nagawa at gagawin o Ulat sa Bayan.
Ito ay kahit nakaratay siya sa John Hopskin Hospital sa Baltimore, Maryland, USA.
Sa pamamagitan ng radio narinig ng buong Pilipinas ang kanyang SONA at sa tulong din ng USA, alas-10 ng umaga dito sa Pilipinas na sakto naman sa pagbubukas ng Kongreso noon.
SINONG PANGULO NAMAN ANG NAG-SONA NA 50 LANG ANG DUMALO?
Sagot: Si dating Pangulong Rodrigo Duterte
Narinig at napanood ng sambayanang Pilipino ang ika-5 SONA ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte noong July 27, 2020, kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Totoong 50 persinalidas lang na kinabibilangan ng mambabatas at cabinet members ang dumalo dahil kailangan ang social distancing dahil nasa ilalim ng kuwarantina ang bansa bunsod na rin ng pandemya.
Dahil mahalaga talaga ang SONA, dumalo ng personal si FPRRD sa Batasan Pambansa para i-deliver ang kanyang Ulat Sa Bayan na napanood sa telebisyon, social media at napakinggan ng taumbayan.
Ang ibang senador, kongresista , gabinete at opisyal ay dumalo sa pamamagitan ng virtual.
Patunay ito na mahalaga ang SONA sa bawat Pilipino.