TUWING pag-uusapan ang mana o inheritance, lagi nang isisipin ang material, maaaring malaking yaman sa pamamagitan ng mga ari-arian, malaking pera na nasa bangko, alahas at negosyo.
Habang karaniwan na rin ang kabutihang loob, magandang disposisyon o pananaw sa buhay, gawi at maging ang katalinuhan.
Dahil mana ang ating topic, at katatapos lang ng pagdiriwang ng Father’s Day, gusto lang naming i-flex ang mag-ama na naging guest sa radio show ng PILIPINO Mirror na USAPANG PAYAMAN sa DWIZ882am nitong Linggo, June 16, 2024, na sina Mr. Roel Abatayo, Hope Creating President ng Rotary Club Uptown Cubao at Lorenze “Enzo” Abatayo, graduating AB Philosophy Student sa Ateneo de Manila, Public Image Director HCP Year, President Elect/Club Secretary Magical Year 2024-2025 Rotaract Uptown Cubao.
Sinabi ni HCP Roel na hindi niya inimbitahan ang anak na si Enzo na lumahok sa Rotaract at natutuwa ito na kusang naghangad na tumulong sa community.
Para naman kay Enzo, isang role model ang kanyang ama at hinangaan nito ang mga pagtulong nito sa kanilang komunidad.
Magkatuwang din ang mag-ama sa mga proyekto ng RC at Rotaract gaya ng Project Uptown kung saan ikinasa ang Youth Services Online at sa ilalim nito ang Online Learning Program Platform.
Nag-collab din ang mag-ama sa pamamagitan ng RC Uptown Cubao at Rotaract Uptown Cubao sa Sports Development kung saan magtuturo ng larong football sa kabataan.
Habang kasama rin sa community services na ginawa ng club at ng Rotaract ang pagtulong sa renovation ng mga gusali sa kanilang nasasakupan at nakatutok din sa Literacy Program.
Samantala, maganda ang relasyon ng mag-ama dahil mayroon silang quality time simula pa noon kaya nagagabayan ang paglaki at naging mabuting citizen si Enzo.
Sinabi naman ni Enzo na bukod sa mga gabay ng ama, malaki rin ang ambag ng pagiging miyembro ng Rotaract sa kanya upang madagdagan ang passion para sa serbisyo sa kapwa.
Malaki rin aniya ang naitulong sa kanya nang mapasama sa Rotaract International Convention sa Singapore kamakailan , kung saan nakasalamuha ang iba’t ibang lahi na miyembro ng organisasyon na magpapalawak sa kanyang kaalaaman at magdaragdag ng karanasan para sa community services.
Umaasa naman si HCP President Roel na itutuloy sa Magical Year 2024-2025 ang standard project nila na Brigada Eskwela sa adopted elementary school, donation sa mga school supply ng mga bata, defogging and renovation sa classrooms, football program, online learning platform para turuan ang mga bata na magsulat at mag-publish ng kanilang katha, writings, graphics, at mga pictures.
Masasabing ang katangian na pagtulong sa kapwa ang isa sa namana ni Enzo kay HCP Roel at ito ay kayamamang mahirap mamana.
TRABAHO MO, NEGOSYO MO
Tinalakay rin sa June 16, 2024 episode ng UPIZ882am ang trabaho, mo negosyo mo ni HCP Benjamin V. Ganapin Jr., founder ng BVG Foundation kung saan itinuro sa mga listener at viewer na ang pagtatrabaho ay isang uri rin ng negosyo.
Sinabi ni Mr. Ganapin na ang kaibahan ng pagiging empleyado at negosyo, ang una ay mayroong lang isang customer, at ito ay ang kompanyang pinapasukan.
Sa conversion naman ng expenses, kapag empleyado, ibabawas ang iyong gastusin gaya ng pamasahe, pagkain, rent, communication at ang matitira ay savings.
Habang sa negosyo, ang tawag ay operations expenses at ang matitira ay sales revenue.
Kaya bilang mahusay na negosyante, dapat ay mahusay na pagtatrabaho at paghawak ng salapi,
Ang itinuturo ng BVG Foundation ay ang maging mahusay na negosyante bilang isang empleyado.